05
* * *
Masigla akong gumising kinabukasan. Chinarge ko muna ang cellphone ko dahil nakalimutan ko pala iyong gawin kagabi. Nagtaka pa ako saglit nang nakaamoy ng masarap na pagkain sa labas ng kwarto ko. Muntik na ako sumigaw kung hindi ko lang nakita sa Julie na sumasayaw sayaw pa habang nagluluto sa kusina ko.
Dahan dahan akong umupo sa harap ng mesa at tiningnan ang mga niluto niya. In the table were bacon, hotdogs, sunny side up eggs and fried rice were arranged. My toasted bread pa!
"Ay gaga ka!"
Napatalon ako sa inuupuan ko nang marinig ang sigaw ni Julie. Ang kamay niyang may hawak na sandok ay nakalagay ngayon sa dibdib niya na parang gulat na gulat sa presensiya ko.
"Ang aga aga nanggugulo ka na agad sa bahay ko. Palitan ko kaya ang passcode ko?"
Pinulot ko ang hotdog at kinain iyon. Asar naman na tiningnan ako ni Julie at nakita ko pa ang pasimpleng pag-irap ng mga mata niya.
"Masyado kang tamad para gawin iyan, I'm sure."
Natawa ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Besides, wala naman talaga akong balak palitan iyon. Alam ni Julie kung ano ang passcode ko dahil magkasama kami nang nilagay iyon at parehas din naman ang code naming dalawa.
Masyado akong na immerse sa mga pinapanood kong kdrama noon kaya kahit pati ang lock ng mga pinto nila ay ginaya ko. I even searched for different security companies who offers those kind of locks and fortunately, may nahanap ako. At dahil gaya gaya ang babaeng ito, nagpalagay din siya.
Umupo na din siya sa harap ko at nagsimula ng kumain. Ramdam ko ang maya mayang pagtitig niya kaya alam kong may gusto siyang sabihin. Nang hindi ko na matiis ang maya mayang pagtingin niya, ako na ang nagsalita.
"Ano ba ang gusto mong malaman at para kang tanga d'yan? At isa pa, bakit nandito ka? As far as I know, wala tayong plano ngayong araw."
"Kung sinasagot mo lang sana ang mga tawag ko, edi sana wala ako dito ngayon! Kung anu-ano na ang iniisip ko tungkol sa 'yo kaya pinuntahan na kita dito para masiguro kong humihinga ka pa! Ano ba kasi ang nangyari pag- alis ko, huh? Kasi for sure, may kinalaman iyon kung bakit unreachable ka the whole day kahapon!"
Tahimik lang akong kumakain na nakatingin sa kanya habang tuloy-tuloy ang pagsasalita niya. I knew she was going to ask about this. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.
"I was out yesterday. I forgot to charge my phone so I didn't notice your calls. And as for Ralph, nothing really happened. Kumain lang kami at umuwi na. That's it. End of the story."
Liar. Ni hindi nga kami kumain kasi pagkatapos niya akong tanungin kung umiinom ako, doon na siya dumiretso sa bar. Ayoko lang talaga ipangalandakan kung gaano ako katanga. At least, ako lang ang nakakaalam ng katangahan ko.
Pagak siyang tumawa sa sagot ko. "Hell yeah, Astrid. As if I would buy that."
Mukhang hindi siya titigil unless makakuha siya ng matinong sagot sa 'kin kaya I gave her the answer that would make me the least stupid.
Hell no I would tell her that I paid for the expenses in the bar, drove for him and even made sure that he was resting comfortably just for me to find he has a girlfriend!
"Ralph has a girlfriend. Happy now?"
Gaya ng inaasahan ko, natigil siya sa ginagawa. I remained a straight face for her to know that I'm telling the truth.
"Like, legit? Seryoso ka ba?"
Tumango habang umiinom ng tubig. Her eyes grew wide and for sure, kung umiinom siya ng tubig ay nabilaukan na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
One Step Ahead
RomanceShe fell first, but he fell harder. Started: 12/17/2022 Completed: --