04

0 0 0
                                    

 04

* * *

Sumunod lang ako sa likod ni Ralph habang tuloy-tuloy lang ang pagpasok niya sa isang high end bar along BGC. It's just eight in the evening so the crowd is a still tamed kaya siguro chill music lang ang sumasakop sa buong bar. Dumiretso siya sa VIP area sa second floor. Mukha siyang palaging nandito dahil alam na agad ng mga waiter ang mga alak na ihahanda.

Tahimik lang akong nakaupo doon habang pinagmamasdan siya dahil parang galit talaga ang aura niya ngayon. Maya't maya ang pag-igting ng bagang niya na para bang ang laki ng galit sa mundo. Hindi ako nagsasalita sa takot na baka mainis pa siya lalo kaya nanatili lang akong tahimik.

Pagdating ng mga alak ay sinimulan niya agad ang pag-inom. Hinayaan ko lang siya dahil walang magbabantay sa aming dalawa kapag sinabayan ko siya. Mukhang balak niya kasi talagang magpakalasing ngayon sa dami ng mga hard liquor sa harap ko.

I suddenly got curious on what he's thinking right now. He looked really mad... and I don't know if I'm sure but he looks like he's hurt. Did someone hurt him or worse, was he dumped? Kasi kung hindi, why would he drink this hard? And if someone really did dumped him, how dare her? I mean, si Ralph Emmanuel Suarez na 'to. The only heir of the famous Suarez bloodline!

"Feel free to order anything you like. It's on me," ani niya habang patuloy pa din sa pag-iinom.

Tumango lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Buong akala ko kasi kakain lang kami tapos tatanungin niya ako kung ano ang atraso niya sa 'kin and the like, hindi ko naman akalain na aayain niya pala akong uminom! If only he told beforehand, siguro ay nakapaghanda pa ako hindi iyong pupunta ako ng high end bar na naka corporate look!

Patuloy lang ako sa pagmamasid sa kanya dahil parang hindi naman siya aware sa pagtitig ko sa sobrang lalim ng iniisip niya. He looks really handsome, for real. Siguro kahit ilagay siya sa kumpol ng mga kalalakihan, he will surely stand out among them because of his undeniably strong presence. Na parang kahit hindi mo siya kilala, mararamdaman mo kaagad na he's beyond your level.

Hindi ko iyon napansin masyado noong una ko siyang nakita dahil parang saglit lang iyon but in that short span of time, he already caught my attention. I mean, I wouldn't be here looking so desperate if he didn't.

Now I realized why until now, I never got a boyfriend. Iyon ay dahil walang lalaking nakaagaw ng atensyon ko- siya palang.

I badly want to open a conversation with him but everytime I try to, natatameme kaagad ako dahil hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin. I am not the quiet type so I find it really awkward if no one's talking. Kinakabahan din naman ako dahil baka dumagdag pa ako sa galit at iwan ako dito mag-isa. Gosh, that would be so embarassing.

* * *

Laking gulat ko nang makita kung anong oras na pala and boy, it's nearly two in the morning! Gaano lang ba kalaki ang problemang ng lalaking ito para uminom ng hanggang ganitong oras? Nung tingnan ko siya paglabas ko ng banyo ay nakapikit na. Inalog-alog ko pa siya para gisingin but I got no response. Buti nalang talaga hindi ako uminom.

I called for a security guard para magpatulong sa pagdala sa kanya papuntang parking lot dahil hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa. Kinuha ko na din ang mga gamit niya at iniwan ang credit card ko para bayaran ang lahat ng ininom niya. As much as I want to pay with his card, alam kong wala ako sa posisyon para pakialaman ang mga gamit niya. That would be considered as robbery even though siya naman talaga ang dapat magbayad. Icha-charge ko naman sa kanya ang bill kapag hindi na siya lasing dahil kahit gaano ko siya kagusto, I'm still broke as of the moment. Pang-ilang buwan ko ng groceries 'yung pinambayad ko no!

One Step AheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon