08

0 0 0
                                    

 08

* * *

Totoo nga talaga ang sinasabi nila na days pass by faster when you're happy because that is what's happening to me recently. A part of me is happy knowing that I finally got the chance to date someone but a part of me says that what I'm doing is wrong. But I hate to complicate things, so I chose not to. The important thing is that I am happy. Ayoko munang isipin ang magiging epekto nito sa 'kin after all these. Iisipin ko nalang kapag andyan na.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakayanan kong maka-survive sa kahihiyan noong gabing iyon. When Ralph smoothly changed the topic from their past to me, I was left speechless. Literal na wala akong masabi. I did not take him to be that smooth talker!

Isa siyang dakilang pa fall, ang pa-fall ng taon!

But going back, it was really true that I was left with nothing to say. Ikaw ba naman ang tanungin ng sobrang gwapong nilalang ng ganoon, may maisasagot ka kaya? Kasalanan ko din yata kasi ako mismo ang nag- initiate na mapunta sa akin ang attention.

Attention seeker ba 'ko? Aba, hindi 'no!

Pagkatapos kong maubos ang steak (na pinilit ko talagang ubusin para may reason ako na hindi na magsalita ulit), nagsabi na ako agad na uuwi. He even offered to take me home but I strongly declined.

Like hell I will! Kaya nga ako uuwi na dahil nahihiya ako tapos magpapahatid pa ako? But I won't deny that his offer was tempting and before I can change my mind, nauna na akong lumabas. Masyado pa naman yata akong marupok pagdating sa kanya.

Pero looking back, I regretted something. Kung hindi lang sana binanggit ni Ralph si Valerie, e 'di sana kilig na kilig na ako habang nagluluto siya! Like, it has been my dream ever since to stare lovingly at my man's back as he cooks for me!

Hayaan na nga. Marami pa namang pagkakataon. Now that I've made it clear that he must focus only to me, I'll give it my best.

"Ngayon ko lang nabasa ang message mo. I've heard about the rumor, 'wag kang magselos. Hindi 'yon totoo, ikaw lang."

Kausap ko ngayon thru call ang pinsang si Priam or Primo. Him as an artist, he is called as Priam but to his relatives, he is Primo so I also call him that way. Ani niya ay ngayon lang daw siya nakaluwag sa oras dahil malapit ng matapos ang kanyang tour kaya pwede na siyang makipag- telebabad.

Oh my gosh! Wait, did I just say telebabad?

"Selos my ass! Pero yung seryoso nga, kayo ba talaga?" pangungulit ko sa kaniya.

These past days, medyo nakalimutan ko na ang tungkol doon dahil masyadong marami na ang ganap sa buhay ko but when Primo called, nabalik sa isipan ko ang issue.

"Hindi nga. Look-"

"Priam, the car is ready. Matagal ka pa?"

Naputol ang dapat sasabihin niya dahil sa pagtawag ng boses ng babae. Hula ko ay manager niya iyon.

"I'll be home next week, at least. Doon ka na maki tsismis, Astrid," bago niya binaba ang tawag ay narinig ko pa ang mapang- asar niyang tawa.

Ang gago lang, ha. Lagot ka sa akin pagbalik mo. Hindi porket sikat ka na ay sasantuhin kita. Makikita niya talaga pagbalik niya.

Kidding aside, hindi naman talaga ako curious kung sila ba talaga. The reason why I am so into this is because of Ralph. I like Ralph, he was in a relationship with Valerie before but Valerie is now rumored to be dating Primo and Primo is my cousin. Of course I will be affected! Ang awkward kaya noon.

* * *

"Hindi ka yata busy ngayon?" nakataas na kilay na tanong ni Julie.

Pinuntahan ko siya sa bahay niya kaya nandito ako kahit wala naman kaming usapan. Naabutan ko siyang nasa harap ng laptop niya kaya umupo ako sa sofa na nasa likod niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Step AheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon