07

0 0 0
                                    

 07

* * *

It's been days when Ralph and I got into a 'relationship'. Siguro nga sobrang busy talaga siya dahil hindi pa ulit kami nagkikita at ang huli pa yata ay noong nag-usap kami. Madalang din kaming mag-usap thru texts pero kapag tumatawag naman ako ay sinasagot niya kaya I assumed hindi siya ang tipo na mahilig magtext.

Well, hindi na rin naman kami mga teenager para gawin iyon.

Understandable naman iyon dahil hindi lang isa ang kompanyang hinahawakan nila; hotels, resorts, and based on what I've read, pinasok na din nila ang furnitures! At marami pang branches ang mga iyon not only locally but internationally. Kahit hindi pa si Ralph ang pinaka chairman nila, alam ko ring hindi biro ang responsibilidad na maroon siya kaya hindi ko muna siya ginugulo.

Napagtanto ko mula sa naisip na he really is beyond my level. But who cares? Wala naman akong pakialam sa yaman niya at kung iisipin ko pa iyon ay siguradong panghihinaan lang ako ng loob kaya bakit ko pa iisipin? Besides, the thing we have between is not really serious.

Pupunta ulit kami ngayon ni Julie sa building ng KSJE para sa second screening ng applicants. Kahit naman may progress kahit papaano ang love life ko, hindi pwedeng makompromiso ang career ko.

Sabay kasi kaming naka- receive ng email saying we both made it to the second round. Nag-aayos ako ngayon dahil mamaya na iyon. Mabuti nalang at nasa Quezon City lang ang building kaya hindi masyadong malayo, hindi ko kailangang magmadali.

I just wore my brown pant suit and partnered it with my beige colored pumps. Ngayon iyong isa sa mga araw na kailangan ko talagang mag-ayos.

We were told back in college na unlike sa paniniwala ng iba, kapag naghahanap ng trabaho, totoo iyong kasabihan na 'First impression lasts'. Kaya hanggang kaya naman, dapat magsuot ng damit na maayos at malinis tingnan dahil in the long run, iyon daw ang matatandaan sa 'yo ng mga tao. Sa mga interviews naman daw, dapat lahat ng sasabihin mo may sense at ipapakita talaga na may alam ka kasi kapag natanggap ka at magkita kayo ng interviewer mo sa iisang kompanya, matatandaan ka hindi dahil may ginawa kang mali kundi dahil isa ka sa mga tumatak during the selection.

Inayos ko na din ang buhok ko. I just parted it in half and tied it in a low bun to achieve that clean look. Naglagay din ako ng kaunting make up at nang makontento sa ayos ay nagpabango na ako. Tumawag na kanina pa si Julie na on the way na siya papunta sa 'kin kaya paniguradong malapit na siya.

Lumabas na ako ng apartment at tama nga ako dahil kakapark niya lang ng kotse sa harap. Nagtaka pa ako dahil lumabas pa siya ng sasakyan pero naintindihan ko din naman agad ng hinagis niya ang susi sa banda ko.

"Kinakabahan ako, sis. Ikaw na mag-drive."

Tinawanan ko nalang siya at kinuha ang susi dahil kahit sa suot niyang black slacks na luwag sa may paanan at white blouse ay mahahalata mo iyon. Kung hindi mo talaga siya kilala, hindi mo mapapansin na kabado siya but for me, halatang halata iyon.

Hindi matagal ang byahe papunta sa building dahil mukhang nakisama ang panahon ngayon at hindi masikip ang traffic kaya mas napaaga kami ng kaunti kesa sa inaasahan. Pumasok na kami ng lift para dalhin sa tamang floor at hindi na kami nagtaka na marami na din ang katulad naming nakasuot ng corporate attire kahit maaga pa naman.

This is the top company so for sure, they really wanted to be part of this. Unlike me na kung hindi dahil kay Julie ay hindi magpapasa ng application form. Hula ko ay nasa around 20 plus kaming naroon, hindi katulad noong first screening palang na sobrang dami. Balita ko ay sobrang hirap daw makapasok dito kaya kapag nakapasok, you may consider yourself as top tier. Kung papalaring umabot sa last round which is after nito, sigurado akong ang higpit na ng kompetisyon doon.

One Step AheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon