Arya's POV
Good Morning Universe!!!!!
"Ang hyper mo naman! Ano nakain mo? Ang aga aga"
"Kapag nagsusungit ako, sinasabihan niyo ko ng masungit, kapag naman masaya ako, ayaw niyo rin, saan ako lulugar?"
"Nagtatanong lang dami mo na sinabi"
"Eh wala naman kasing rason, maganda lang gising ko ngayon. Himala pala ang aga niyo pumasok?"
"Aga akong binulabog ng bruhang to eh, akala ko may sunog pota!" Sabi ni Clea
"Eh kasi tulog mantika ka eh"
"Gago, nag-good morning lang si Karl sayo eh. Muntanga"
"Kayo na?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi pa, pero gusto daw nya ako ligawan. Eh sene be nemen eke debe?"
Nagkatinginan kami ni Clea sa sinabi ni Abby.
"Tangina Clea, pigilan mo ko. Nandidilim iyong paningin ko sa hinayupak na to"
"Bugbugin mo na, tulungan pa kita, kanina pa ako gigil na gigil sa kalandian nyan eh"
"Grabe kayo sakin! Palibhasa kasi wala kayong jowa, nantataboy kasi kayo ng manliligaw" sabi ni Abby.
We just make face sa kanya at inirapan sya.
Nakakarindi yung pabebe voice nya super!!!
Habang naglalakad kami papunta sa first class namin, may tumawag kay Clea kaya napalingon kami
"Oh my G! Si Fafa Benj"
Benjamin Montarde, one of Anderson University's Basketball Varsity Player. Maganda built ng katawan nya, medyo buff pero di gaano.
He likes Clea since Freshmen year.
We're already 3rd year College taking up Legal Management, and 19 years of age, well ako 18 palang, sa December pa ako mag19, exactly on Christmas Day.
"Umayos ka nga Abbigail Nadz Agustin" banta ni Clea sa kanya.
"Hi girls" bati nya samin.
Ngumiti lang ako at bumalik sa binabasa ko. Si Abby naman eh akala mo chismosa na nakikinig ng maayos and she even waved her hand to Benj.
"Oh ano?" Maangas na tanong ni Clea kay Benj.
"Sungit mo naman, ang aga aga"
"Pake mo ba?"
"Chill, I just want to invite you to watch our game sa Sabado, kalaban namin yung Weist University" sabi nya.
"Hindi pwede, marami ako gagawin. Tara na, baka dumating na si Sir David" sabi ni Clea at hinila na kami.
"You really don't want to give him a chance?" Tanong ko.
"Wala sa isip ko yan ngayon. Mga readings nga di ko pa tapos basahin eh"
"Even a little bit of feelings, wala ka for Benj?" Tanong ni Abby.
"Wala ka na don" masungit na sabi ni Clea. "Tsaka nangako kami na tutulungan ka namin sa part time job mo sa sabado di ba?"
"Kaya ko naman yun, tsaka wag niyo paikutin sa akin mundo niyo. Manghihingi ako ng tulong kapag di ko na kaya"
"Siguraduhin mo yan ah! Malaman ko lang na nag-apply ka sa mga club club na yan, tatamaan ka sakin" sabi nya.
"Opo" sabi ko at pumasok na kami sa room namin.
Nagtataka kayo kung bakit ako nagpapart time job. My parents died when I was 1st year college because of an accident, tapos yung nagmamanage ng Business namin is Tita ko na di ko close, ako ang nasa last will ng parents ko na magmamana nun pero sakim sila eh kaya kinuha nila sakin yun, so nagstart ako magpart time job with the help of my friends, Abby and Clea. Nag-apartment lang rin ako na malapit dito sa school, pero pinapamove ako nila Clea sa condo nilang dalawa, so baka next month idrop ko na yung apartment at sumama na sa kanila sa condo nila, less gastos ko daw yun. Nakapasok ako sa Anderson University because of my Lola
Kung wala sila di ko na alam paano pa ako mabubuhay.
"Ano pala balita dun sa creepy guy na sinasabi mo na laging nasa shop na pinagtatrabahuan mo? Yung nirerequest ikaw na magserve sa kanya?"
"Nandoon parin, gusto ko sya kasuhan ng stalking, pero wala namang ginagawang masama eh" sabi ko.
"Naku naku! Creepy ba talaga? Baka naman pogi yun?"
"Lagi syang naka-sunglasses eh, so di ko makita, then nakafacemask, buhok lang kita mo, pero he seemed like a businessman or basta nagtatrabaho sa mga corporate companies kasi lagi syang nakaoffice attire" sabi ko.
"Tawag ka agad ng police kapag may ginawa sayo ah" sabi ni Clea
"Oo na, alam ko naman gagawin ko" sabi ko.
Natigil kami sa pag-uusap nang may magsalita sa harap.
Halos lahat ng babae napatulala sa adonis na nakatayo sa harapan. Miski ako.
He's wearing a corporate attire. His aura is somewhat cold and intimidating parang hindi mo gugustuhing tumingin sa kanya. He has a dark brown hair na nakabrush up at may wax pa, halata mong may lahi sya, he has a strong and manly aura, at pati tindig nya lalaking lalaki, iginagalang talaga.
"Ang yummy" sabi ng katabi ko kaya napatingin kami sa kanya.
"Ang pogi"
"Ang hot"
"Yummy naman"
"Ang gandang breakfast naman nito"
"Replacement kaya sya ni Sir David?"
Yan ang mga bulungan ng mga kaklase naming babae.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa, but, became uneasy kasi pakiramdam ko may nakatingin sakin.
I tried finding that pair of eyes na pakiramdam ko nakatingin sakin, but, my eyes landed and locked on the pair of eyes that's looking at me from the front.
He's looking at me.
"Sir, kayo po bago naming prof?"
Naputol lang yung tingin nya sakin nang magtanong yung isang kaklase ko.
Why was he looking at me like that?
Kilala ba nya ako?
"Ahm, yes"
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang lalaking lalaki na boses na yun.
Baka kaboses lang nya.
Oo tama! Kaboses lang nya.
Ganun naman yun eh, may mga tao namang magkakaboses eh
Masyado lang ako nag-o-overthink.
"Huy! Ok ka lang? Di ka mapakali" bulong na sermon ni Clea sakin.
"Sorry na" pagpapaumanhin ko.
Itong isa naman eh halos hagudin na yung prof namin ng tingin.
"Maisend nga kay Karl to" parinig ko kaya bumalik sa huwisyo si Abby.
"Ang gwapo kasi ni Sir eh"
"Silence!" Ma-awtoridad na sabi ng prof namin kaya lahat kami nanahimik. "In my class, I want everyone to be quiet, unless I am asking you questions, I hate students answering in unison. When I ask you a question, give me a complete and detailed answer, you're all a future lawyers, so act like it"
Nakakatakot sya.
Mukha naman syang bata pa, pero daig pa mga terror prof namin na mga senior na.
Pero pogi kasi sya, super manly nya tignan as in!
Kaso yun nga, terror sya.
"I'm Raffiel Warren Anderson"
Lahat kami napasinghap nang sabihin nya pangalan nya.
"I will be your new professor since Mr. David already resigned to grab an opportunity abroad. I'll be your new professor in Marketing"
Crap.