Arya's POV
"Miss Arya, hinihintay na po kayo ni Madam sa dining"
"Opo, susunod na" sabi ko.
Humarap ako sa salamin at pinilit ngumiti.
Inayos ko ang uniform ko at ang buhok ko, tsaka ko kinuha yung bag ko na naglalaman ng mga gamit ko sa school atsaka ako lumabas ng kwarto ko para bumaba.
Pagpasok ko sa dining, may nakita akong nakaupo sa left side ng pwesto ni Lola sa dining.
"Hija, andyan ka na pala"
"Good Morning, Lola" bati ko at ngumiti.
Unti unti namang lumingon sa akin yung lalaki, at halos lumuwa ang mata ko nang malaman kung sino yun.....
"Sir?!" Gulat na tanong ko nang makita sya sa bahay namin.
Tangina!
Bakit nandito yung prof ko?!
May nagawa ba akong di maganda sa school?!
Clean records naman ako! Araw araw ako pumapasok!
"L-Lola, b-bakit nandito prof ko? S-Sir, m-may nagawa po ba ako? Clean record naman po ako sa school eh. Lola pumasok ako kahapon, promise" kinakabahan kong sabi.
Natawa naman si Lola ng mahina.
Nag-aadik ba to si Lola?
Kinakabahan na ako sa pag-home visit ni Sir tapos tinatawanan pa ako.
Kahit si Sir nakangiti ng pasimple.
Positive! Magka-drugmates sila!
Ang aga aga high na high sila ah!
"Silly" rinig kong sabi ni Sir.
"Hija, hindi ganun. Hindi na pala ako mahihirapan ipakilala kayo. Have a seat first, apo" sabi ni Lola.
Seriously, what the hell is happening?
Umupo ako sa pwesto ko kahit na naguguluhan ako sa nangyayari.
"Warren, meet my grand-daughter, Arya Clementine Gonzales. Hija, this is Raffiel Warren Anderson, the CEO of AGC"
Natigilan ako sa sinabi ni Lola
AGC
AGC
AGC
AGC
"Fu–dge!" Di ko na natuloy, sinamaan ako ni Lola ng tingin eh.
Pero tangina!
Bakit di ko narealize agad?!
AGC, Tangina!!!!! Anderson Group of Companies!!!!
Shutang ina!!!!
Bakit ganon?!
Sya mapapangasawa ko?!
"He's the one I was talking with nung nakita mo ako sa pinagtatrabahuan mo, ring a bell?"
Lalong lumuwa yung mata ko sa nalamang iyon.
"Ikaw yung customer ko?! Yung nagrerequest na ako yung magseserve sa kanya?! The guy who's always wearing a mask and sunglasses?! Ikaw yon?!"
"Yes" he said na parang walang balak i-deny yung sinabi ko.
That's why his voice is so fucking familiar and similar!
Yung customer ko at prof ko ay iisa!
At ngayon! Mapapangasawa ko pa!
"By the way, you're teaching?" Tanong ni Lola sa kanya.