Chapter 3

893 20 0
                                    

Arya's POV

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino ba yung kausap ni Lola.

Hindi ko naitanong kay Lola dahil sabay silang umalis at nagbasa ako agad pagkauwi ko sa dorm ko, pero nakatulog naman ako.

It's Thursday today, meaning sa mansyon ako uuwi. Pinasundo ako ni Lola sa driver namin kaya nagpaalam na ako kila Clea at Abby.

"Sumunod nalang kayo mamaya sa mansyon, sabihan ko yung guard na papasukin kayo"

"Sige, mga 8pm kami punta, dalhin nalang rin namin laptop namin. Ingat"

"Kayo rin, ingat sa pagdadrive" sabi ko sa kanila.

Pumasok na ako sa backseat at dumiretso na sa mansyon.

Pagkarating sa mansyon, binati agad ako ng mga guards and maids, kaya ngumiti nalang ako sa kanila.

"Asan po si Lola?" Tanong ko sa isang maid na kumuha ng bag ko.

"Nasa opisina po, Miss Arya."

"Sige po, salamat" sabi ko.

Dumiretso ako sa opisina ni Lola dito sa mansyon kahit naka-uniform pa ako.

Kumatok ako at unti unting binuksan yung pinto.

"Lola, I'm home" sabi ko

She looked at me with worry or should I say stress in her whole face.

"I've read your text, anong pag-uusapan natin?" Tanong ko agad.

"Have a seat first. Kumain ka na ba?" Tanong nya

"Kumain kami nila Abby sa school bago ako sunduin ni Mang Henry. Lola, is there something wrong?"

Umupo ako sa may upuan sa harap ng office table while she's sitting on her swivel chair.

"Tatapatin na kita, Tintin. The company is not doing well. Because of Shella's greediness malapit na ma-bankrupt ang kumpanya"

"What?! Akala ko po ba inaalagaan ng maayos ni Tita Ella yung kumpanya? She get that from me. The company is supposed to be mine to manage, pero kinuha nya, tapos ganito gagawin nya?!"

Hindi ko mapigilang hindi mapatayo dahil sa sinabi ni Lola

Nanggigigil ako sa galit.

Pinabayaan nya yung kumpanya!!!

Pinaghirapan nila Lolo yun tapos pinangalagaan ni Daddy tapos gaganyanin lang nya?!

"Ano pong kailangan kong gawin? May maitutulong po ba ako?"

"Alam kong hindi ka papayag, pero susubukan ko parin"

"Kahit ano Lola, mailigtas lang yung kumpanya at mapatalsik lang si Tita Ella. Hindi nya kasi pinaghirapan kaya hindi nya inaalagaan"

"I already asked for help sa AGC, kaibigan ng Daddy mo ang may-ari nun, and the current CEO is the only son of the owner of AGC"

"AGC? Isn't that the top 1 wealthiest and most successful company worldwide? Yung maraming underlings?"

"Yes, hija. I have no other choice. Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan namin ng Lolo mo, yun nalang ang meron ako bukod sayo na napakahalaga sa amin ng Lolo mo. But, he has a condition"

"Ano po iyon? Anong kondisyon nya Lola? Sino sya? Bakit hindi ko alam?"

"Sabi nya, sya nalang daw ang magpapakilala sayo. His condition is.....you will marry him"

"What?! Ni hindi ko nga po sya kilala eh, I want to know him"

"Apo alam ko hindi papayag, sasabihin ko nalang"

CEO's MuseWhere stories live. Discover now