Arya's POV
It's been a week since we signed the marriage contract, 3 business days daw yun para ma-process, but, since he's a VIP, na-process within 24 hours.
And now, we're legally married, and he's starting to do the plan of helping our company.
I also dropped my dorm dahil doon na ako umuuwi sa bahay nya.
Wag kayong malisyosa ah! Magkaiba kami ng kwarto!
Andito ako sa kwarto ko ngayon, nakatingin sa drawing ko noon na dream wedding ko.
Marunong po ako mag-drawing, one talent na namana ko kay Mommy. She loves to draw, namana ko yung hilig nya sa pag-do-drawing.
"Pangarap ka nalang talaga" sabi ko at pinunasan yung tumulong luha galing sa mata ko.
I witnessed how my parents love each other.
Growing up, I also dreamt to have that kind of love in the future.
I witnessed how my parents got married again on their wedding anniversary
I also dreamt to have that kind of magical and romantic church wedding.
But none of it even happened to me.
I am in a loveless marriage.
I just signed a marriage contract, and didn't even experience a proper wedding ceremony.
It's all my dream, my dream that will never come true.
Pinunit ko yun at itinapon sa trash bin ko dito atsaka lumabas ng kwarto ko para pumunta sa dining.
As usual, wala sya, pumasok ng maaga, so I will eat alone again.
Hindi ako sanay na kumakain mag-isa, sanay akong may kasabay kumain. Ayaw naman nila ako sabayan kumain, I mean ng mga maids.
"Kain na po, Mam Arya" sabi ni Manang Flor. Ang mayordoma.
"Sa school nalang po, kailangan ko po kasi pumasok ng maaga eh" I said.
Lumabas na ako at pinagbuksan ako ni Kuya Jasper ng pinto sa backseat. He's Warren's right hand dito sa bahay niya, and he's the one assigned sa paghatid sundo sa akin.
"Thank you po" sabi ko at ngumiti.
Sa totoo lang, nagugutom na talaga ako, kaso maisip ko palang na kumakain ako mag-isa, nawawalan na ko ng gana.
Pagdating sa school, dumiretso na ko ng first class namin kasi natraffic kami kaya medyo sumakto ako sa oras.
Mamaya nalang siguro ako kakain, kaya ko pa naman siguro tiisin.
****
Nag-sunod sunod yung klase namin hanggang 4pm, and hanggang ngayon hindi parin ako kumakain.
Nahihilo na ko at medyo hindi makafocus, medyo nandidilim na yung paningin ko dahil sa gutom.
Hindi kasi ako sanay din na nalilipasan, nawala sa isip ko na tuloy tuloy pala klase namin ngayon.
After ng class namin ng 4pm, may klase pa kami mamayang 6:30 yung last class namin.
Habang nakaub-ob ako dito sa desk ko, si Abby at Clea kasi nasa library, may hinahanap silang libro na kahapon pa nila hinahanap sa library. So yun, nag-vibrate yung phone ko at nakita kong si Warren to.
From: Evil Husband 😡
Go here in my office
Napabuntong hininga nalang ako.
Nahihilo na nga yung tao eh!
Pinilit kong tumayo at lumakad papunta sa office nya.
Pakiramdam ko para na akong lasing dito na pinipilit makauwi ng bahay.
Kakatok na sana ako sa pinto nang magbukas ito
Pero hindi ko na nakita kung sino ang nagbukas dahil nandilim na ng tuluyan ang paningin ko
******
Nagising ako na puro puti ang nakikita sa paligid.
Hindi pa naman siguro ako patay noh?
Wala namang namamatay sa nagpapalipas diba?
"Possible reason of her passing out is fatigue plus nalilipasan sya ng gutom" rinig kong sabi ng sa tingin ko ay doctor. "I'll go ahead, call me if ever she wakes up"
I heard the door open and closes, bago may sandaling katahimikan, hanggang sa narinig kong nagsalita si Warren.
"Aren't you fucking preparing her meal for everyday?" Mahina pero halatang galit na tanong nya.
Pagagalitan nya yung maids, eh kung sana hinahayaan nya silang sabayan ako kumain, hindi siguro ako nalilipasan.
"Sir, pineprepare po namin, lagi pa nga pong may gatas katulad ng utos niyo na usual breakfast ni Mam Arya, pero lagi po syang hindi kumakain sa umaga at parating sasabihin na sa school nalang daw sya kakain"
"Damn!"
"Sir, hindi po sa nanghihimasok, pero baka lang po, baka lang naman hindi po sanay si Mam Arya na kumakain mag-isa? Ilang beses na nya kaming niyaya na sabayan sya, pero hindi po namin sya sinasabayan dahil nga po ipinagbawal mo. Sa ilang beses na yun, isang subo lang ng pagkain ang ginagawa ni Mam Arya, miski yung gatas nya hindi nya na iniinom o inuubos. Hanggang sa hindi na po sya nagbibreakfast at dinner"
Nakuha mo Manang Flor!
Gumalaw ako at segundo lang nakita ko na sa harap ko si Warren.
"Baby, are you feeling ok?"
He's been calling me Baby, but he's treating me like a nobody.
He promised Lola to take care of me, but, I can't feel the care.
Kasi nga sa papel lang naman kayo kasal
Tumango lang ako at sinubukang umupo
Inalalayan naman nya ako.
Ramdam ko parin yung gutom ko, nagugutom talaga ako
Gusto ko ng kumain, kaso wala ata akong balak pakainin ng isang to.
Naospital na at lahat, magtitiis parin ng gutom.
Napaiwas ako ng tingin nang tumunog yung tyan ko, senyales na gutom na talaga ako.
Wala ka namang pakisama eh!
"Are you still hungry? When's the last time you eat?" Tanong nya na nakakunot noo.
Kahapon pa bago ako mag-out sa coffee shop.
Ano bang magagawa ko eh lagi naman syang wala sa bahay, sino kasabay ko kumain?
"Kagabi" sabi ko habang di nakatingin sa kanya.
"Liar. Hindi ka daw nagdinner kagabi. I ordered food, let's just wait for it to arrive" sabi nya.
Buong minuto na hinihintay namin yung pagkain na dumating, hindi ako makatingin sa kanya.
At nung dumating yung pagkain, si Manang Flor ang nagprepare at ang CEO niyo nasa labas ng kwarto ko at may kausap ata sa phone.
"Kain ka na, Mam Arya"
"Wala po akong gana"
"Jusko kang bata ka, magkakasakit ka sa ginagawa mo"
Isn't that better?
Mas ok pa siguro yun
Kapag nagkasakit ako, mamamatay ako, makakasama ko na sila Ate
Napalingon kami sa pagpasok ni Warren.
"You eat" sabi nya
"Wala akong gana" sagot ko at ipinikit yung mata ko.
Bahala ka sa buhay mo