Chapter 9

747 12 0
                                    

Arya's POV

Tangina!!!

Hindi na po ako uulit!

Hindi na po ako iinom ulit promise!!!

"Shit" I groaned

Pawalain niyo na po sakit ng ulo ko please, hindi na po talaga ako maglalasing ulit promise!

"Hangover?"

"Ay hangover!"

Literal na napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat

"Ano ba?!" Singhal ko pero ito na naman yung ulo ko parang mabibiyak.

"Inumin mo na yang gamot sa bedside and take a shower" malamig na sabi nya.

Lumabas na sya ng kwarto ko hawak hawak iyong tasa ng kape nya.

I guess, no breakfast for me again.

Nakapang-office na sya at nakapagkape na sya, so meaning aalis na sya.

Ininom ko na yung gamot at uminom ng tubig.

Dumiretso na ako sa CR para magbabad sa bath tub pampatanggal hangover din.

I just stayed there for 15 minutes at naligo narin ako ng malamig na tubig para malamigan yung katawan ko at ulo ko.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis lang ako ng oversized shirt at may short sa loob at humiga ulit sa kama ko pagkatapos ko magblower ng buhok hanggang sa nakatulog ako ulit.

Nagising nalang ako sa pag-alog sa akin.

"Po?" Tanong ko at tinakpan ng unan yung mukha ko.

"Jusko, ikaw na bata ka, tumayo ka na at kumain, kanina ka pa hinihintay ni Sir Warren sa dining, tama nga sya at nakatulog ka ulit" sabi ni Mang Flor.

Literal na napabangon ako sa sinabi nya.

"Andyan pa si Warren?!" Gulat na tanong ko.

"Oo, kanina ka pa hinihintay, tanghalian na hindi ka parin bumababa. Bumaba ka na para makakain na kayo"

"T-Teka po, diba ganitong oras kahit sabado nasa trabaho na sya? Bakit andyan pa sya?"

"Hindi naman sya nakapangtrabaho, baka hindi sya papasok"

"Po? Eh naka-office attire na sya kanina nung nagising ako eh"

"Ano ka bang bata ka? Hindi pa sya nagbibihis noong nagising ka, dito sya nakatulog sa kwarto mo kakabantay sayo dahil lasing na lasing ka. Kauuwi nya kagabi galing Malaysia nang sabihin ni Jasper na tinakasan mo sya"

What?!

Hindi pa sya nagbibihis non?!

"Galit po ba sya? Mukha po bang kakainin nya ko ng buhay?"

"Ikaw na ang humusga, ano ba kasing naisip mo at tumakas ka?"

"Gusto ko lang naman po makabonding mga kaibigan ko, yong malaya ako, para po kasi akong preso dito eh" sabi ko at yumuko. "Sige po, susunod na po ako" dagdag ko.

Inayos ko yung kama ko at sumunod na nga papunta sa dining.

Nakapambahay lang sya so hindi nga ata talaga sya papasok sa trabaho.

May nasabi ba ako sa kanya kagabi?

Sana naman hindi umatake kadaldalan ko kagabi

Madaldal pa naman ako kapag nalalasing

Lord, kayo na po bahala sa akin

Nang maramdaman nya yung presensya ko, tumingin sya sakin ng napakalamig

Wala na nga syang pake sa akin, lalo pa atang mawawalan.

Baka palayasin na nya ako dito sa bahay nya

Teka, eh mas maganda nga yon diba? At least magiging malaya na ko, magagawa ko yung gusto ko

Umupo ako sa upuan ko, yung isang maid na ang naghila ng upuan para sa akin na sya ang gumagawa nung mga nakakaraan.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang hindi sya ang naghila ng upuan ko at sa malamig nyang tingin sa akin.

Nagsimula na kaming kumain ng walang pansinan

Nakakabingi yung katahimikan, hindi ako sanay

Although, tahimik talaga kami kapag kumakain kami, pero kasi ngayon ramdam mo yung tensyon eh

Feeling ko, this will be the last time na makakasabay ko syang kakain

Pakiramdam ko, malayo na sya sakin, lalo pang lalayo

I am a nobody here, lalo pang magiging invisible

Kailangan ko na ba kumain ng madami para may ipon akong food sa katawan para sa mga susunod na araw?

Pagkatapos kong kumain, tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto ko nang magsalita sya

"Go straight in the library" malamig nyang sabi

Tumango nalang ako at dumiretso nga sa library dito sa bahay.

Nakaupo lang ako habang pasimpleng nagdadasal nang biglang bumukas yung pinto

Umupo sa tapat kong upuan si Warren at humalukipkip ng braso habang nakatingin ng malamig sa akin.

"Anything you want to say?"

Gustuhin ko mang magsorry, pero wala akong pinagsisihan ni isa sa ginawa ko dahil sumaya ako.

"Bakit mo tinakasan si Jasper?"

"To have fun"

"Fucking have fun. You can't have fun without informing your bodyguard?! Hindi ba pwede yun, Tine?!"

"Sasaya ba ako kapag sinabi ko? Papayag ba sya? Sasabihin lang nya sakin malalagot sya sayo kapag pinayagan nya ako. You gave me no choice. I want to apologize for what I did, pero wala akong pinagsisihan ni isa doon. Hindi naman kasi ako nainform na kapag kasal na tayo mawawala narin yung happiness ko, edi sana dun palang umurong na ako"

"That's not the fucking point, Arya! You can have fun while being safe"

"I am safe! May tiwala kasi ako sa mga kasama ko. Alam kong hindi nila ako ipapahamak. I just want to have fun, I just want my life. Hindi ko alam anong pinuputok ng butsi mo dyan, pero hindi ko gagawin yun kung masaya ako sa buhay ko" sabi ko at umiwas ng tingin.

My mom taught me to be vocal about what I feel, and what I think. Yun yung isang pinagpapasalamat ko na ipinamana sa akin ng Mommy ko. Being vocal

"Tatakas ba ako kung hindi mo ko pinipigilang sumaya? You even invaded my quality time with my friends! Na dapat alam mo lahat ng lakad ko, ang rason mo? Because you're my husband! Eh ako? I'm JUST your wife, wala akong karapatan sayo, wala akong karapatan na malaman kung nasaan ka or mga lakad mo business or not, pero ikaw may karapatan ka sakin! Ang unfair mo naman pala! May karapatan kang sumaya with your friends while I don't have, may freedom ka to drink with your friends pero ako wala, you have the freedom to go home late, pero ako wala! Halos bigyan mo ko ng curfew! Nasasakal ako! This isn't the life I want to have! This marriage is a fucking prison for me! Ni hindi mo nga ako naalala kapag nasa labas ka with your friends eh! Samantalang ako kahit saan ako magpunta, pinapaalala mo sakin yung limitations ko through Jasper! Malay ko ba kung anong ginagawa mo with your friends, syempre paano ko malalaman eh wala naman akong karapatan! Akala mo ba hindi ko napapansin ha? You're always going to work super early para lang hindi mo ako makasabay, and you always go home late para sure na tulog na ako at di mo ko makikita, minsan nga lasing pa eh, akala mo hindi ko alam? Alam ko namang ayaw mo yung presensya ko sa bahay na to, eh bakit pa tayo nagpakasal? If I am a burden to you, let's just annul, hahanap ako ng ibang paraan para maisalba ang kumpanya namin! My family never let me feel unwanted, you're the only person that made me feel like I don't exist."

Tumakbo na ako sa kwarto ko at doon umiyak nalang.

CEO's MuseWhere stories live. Discover now