Arya's POV
Andito ako sa room ng first class namin.
After nung sagutan namin ni Warren na yun, hindi pa ulit kami nakakapag-usap.
Pero sinasabayan na nya ako kumain, he's always asking me how my day went, pinatanggal narin nya yung pagiging bodyguard ni Jasper sa akin, driver nalang
After din nun, ewan ko pero lagi syang nagtetext sa akin or chat kung anong ginagawa nya at kung nasaan sya. Kung iinom din sila magkakaibigan, sa bahay narin kaya nakilala ko mga kaibigan nya.
Tsaka on time na sya umuuwi, typical working hours. 8am sya pumapasok, then umuuwi ng 5pm, minsan 6pm.
It's been a month since that argument of ours. Minsan pa sya nagpeprepare ng breakfast namin, nalalaman ko lang kila Manang Flor.
Hindi ko alam anong nangyayari sa kanya, hinahayaan ko nalang, go with the flow nalang, alam ko naman kasing ngayon lang yan eh, matatapos rin naman yan. Mapapagod din sya.
"Strikto na, mas lalo pang naging mukhang strikto. Magkaaway ba kayo mag-asawa?" Bulong ni Abby sa akin habang nagtuturo sa harap si Warren
"Don't tell us iyong sagutan niyo parin yan a month ago?" Tanong naman ni Clea
"Mas ok kung nakikinig nalang kayo" sabi ko.
After nya magdiscuss, may pinagawa siyang activity sa amin, pero nabablangko yung utak ko
Wala akong maisagot punyeta!
Nag-bell nalang hindi parin ako tapos, may 2 pa akong hindi nasasagutan
"Tanginis, utak gumana ka naman" bulong ko sa sarili ko at pasimpleng sinasabunutan yung sarili ko.
"I'll give you until 5pm to finish that activity, give your papers to Arya. Arya, give your papers to me in my office at 5pm today" sabi nya
"Yes, sir" simpleng sabi ko
"Nakita ni sir na nag-struggle ka, bish, kaya siguro pina-extend" sabi ni Abby sakin
"Manahimik nga kayo" sabi ko sa kanila.
Tinapos ko nalang yung activity na yun para bawas isipin, may 1 hour break naman kami eh.
Habang andito ako sa library at nagsasagot, nagvibrate naman phone ko.
Si Clea at Abby kasi kumain, niyaya nila ako kaso gusto kong matapos na tong activity na to.
From: Evil Husband 😡
Come to my office, let's eat together
Di na ko nagreply.
Imbis na ipasundo nya ako dito, sumunod nalang ako at pumunta sa office nya.
Malapit na ako sa office nya nang makita kong may kausap syang babae habang naglalakad papunta sa office nya
Napatingin ako sa babaeng kasama nya at hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili sa kasama nya.
Mas matangkad sya sa akin, mukha syang mayaman talaga, she has a good curve, in short sexy sya, like every guy will surely drool at her. She's wearing a dress that's hugging her body right. She has long brown wavy hair, and she's pretty.
Kumpara naman sa akin diba? My boobs are not even that big, I am classified as flat chested, hindi naman ako katangkaran, payatot pa ako, hindi ako ganyan manamit sa kanya and I don't wear make ups
Pumasok sila sa office nya, buti nalang hindi nila ako nakita sa pinagtataguan ko
Imbis na dumiretso sa office nya, bumalik nalang ako sa library. May kasabay na pala syang maglalunch, itetext pa nya ako.
Matamlay akong bumalik sa library at sinubukan nalang na tapusin yung activity despite of hunger. Another series of no meal for everyday
Sabi ko na eh, may katapusan din lahat ng iyon. Bakit pa ba ako umaasa na may magbabago?
Kaya siguro hindi nya ako mabigyang pansin kahit ako yung asawa nya, mga ganoon pala yung tipo nyang babae, and I am nothing compared to that girl
Bakit ka ba nagkukumpara, Arya?
Oo nga, why am I comparing myself to her? Eh diba mas ok nga yon?
Kapag nagkatuluyan sila edi pakakawalan na nya ako sa kasal na to, hindi ba dapat matuwa pa ako? Eh bakit parang nasasaktan ako?
"Bahala na" sabi ko at pumunta na sa next class ko.
Shinut down ko yung phone ko kaya hindi nya ako matatawagan o maitetext, pero mukhang hindi rin naman sya magtetext dahil busy sya sa babae nya.
Dumating ang 5pm at ibinigay sa akin ng mga kaklase ko yung mga activity nila para maipasa ko kay Warren.
Since Tuesday ngayon, hanggang 4:30 lang klase namin, tinapos lang talaga namin yung activity, pero hindi ko parin natapos.
Walang pumapasok sa utak ko kundi yung babaeng kasama ni Warren kanina.
Tapos na kaya sila mag-usap? Nabusog ba sila?
Mahahalata mo talagang wala syang pakialam sa akin, sya busog na busog, samantalang yung asawa nya gutom na gutom na.
Kumikirot na nga iyong sikmura ko.
Naglakad na ako papunta sa office nya. Nakita ko dun yung secretary nya sa labas kaya ipinaabot ko nalang yung papel.
Umalis na ako at nagpahatid kay Jasper sa bakeshop ni Mommy, dun ako nagmamanage every Tuesday.
"Good Afternoon, Miss Arya" bati sa akin ng mga empleyado dito
"Hi, kamusta ang benta?"
"Sobrang daming tao kanina, Mam, kaya napilitan mag-overtime sila Trixie ng mga 2 hours para tulungan kami dinagsa kanina po eh"
"Ay talaga? Hala, sana sinabihan niyo ko para nakatulong ako kanina"
"Ok lang, Mam, alam po naming nasa school ka eh, nakapag-order narin po kami ng mga kulang dito sa bakeshop, tapos nailista narin namin sa inventory po"
"Gagaling niyo talaga, papahinga lang ako tapos tutulong ako. Kung may kailangan kayo, katukin niyo lang ako sa office" sabi ko at tumango naman sila.
Pumunta na ako sa office ni Mommy dito na office ko narin at umupo lang ako sa may couch at huminga ng malalim.
Hindi parin iyon maalis sa isip ko.
Hindi siguro nya ako hinahanap, baka nag-e-enjoy sya kasama yung babaeng iyon.
He might've even treat her to a fine dining restaurant.
Everything I want to experience, na-e-experience nya without her asking, without her starving to death, without her pleading Warren to give it.
Ako yung asawa pero ako yung hindi nakaka-experience ng mga ganon.
Pinunasan ko yung luha ko nang may kumatok.
"Mam Arya, may naghahanap po sayo, asawa niyo daw po"
Hindi pa ako nakakasagot, pumasok na agad si Warren
Fuck it!