Arya's POV
Andito ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko.
Nag-cashier lang ako today, kasi wala ako sa huwisyo magkikilos
Buti nga natapos na yung mga pagpunta punta nya dito sa coffee shop eh
Hindi ko rin alam gagawin ko kapag pupunta parin sya dito
Iisipin ko na talagang ayaw nya akong sumaya
"Arya, sama ka mamaya?"
"Saan?" Tanong ko kay Kuya Charles
"Nagyayaya mag-inom sila Sab, birthday nya diba? dyan lang sa may Chill Top, chillnuman lang" sabi ni Sam
"Sige, go lang" sabi ko. "Sasama ako, pero I need your help"
"Ano ba yan? Wag lang pera ah, ikaw lang mayaman dito"
"Hindi ako mayaman, asawa ko yung mayaman" sabi ko. "Yung bodyguard ko, itakas niyo ko, kapag nalaman nya kung nasaan ako, siguradong irereport nya sa asawa ko"
"Anong mali doon?"
"Baka sundan na naman ako, gusto ko lang magpakasaya, ok? It's not like I will cheat, I just want my normal life. Buhay ko parin ito"
"Tangina ang hirap nyan, mukha kaming papatayin ng guard mo eh, pero sige. Bahala na"
Hinintay namin matapos shift namin at dumating yung mga night shift atsaka kami nag-out.
Sa likod kami ng shop dumaan, buti nalang may dalang extra clothes si Ate Sab at kasya sa akin kaya pinahiram nya ako, tapos dun ako pinasakay kay Kuya Charles, umangkas ako sa motor nya.
"Ok ka na?"
"Opo" sabi ko.
Pinaandar nya yung motor nya at umalis na kami, nagtaxi nalang yung iba.
Dumaan kami sa tapat ng sasakyan ni Jasper pero di naman nya napansin kaya dumiretso kami, nakatingin kasi sya sa loob ng shop eh.
Pagkarating namin doon sa inuman, saktong dating lang rin nila Ate Sab.
Anong nangyari sa quiz namin? Natuloy yung dinner date namin pero hindi ko sya kinakausap. Yung quiz naman namin, hindi nya pinatuloy, one of his apologetic gesture daw for me, todo thank you pa iyong dalawa sa akin dahil hindi pala sila nagreview.
Humanap kami ng pwesto at nag-order na agad sila ng isang bucket.
"Sure ka ba na hindi ka malalagot sa asawa mo?"
"Ako na bahala dun, he won't hurt me" I said at ngumiti. "Tsaka wala naman sya eh, nasa Malaysia sya for a business trip"
"Kami yung kinakabahan sayo eh"
"Chill, akong bahala dun" sabi ko at uminom sa bote ng alak na iniinom ko.
Lumipas ang oras na hindi namin namamalayan.
Nagpaalaman narin kami dahil pagtingin namin ay 10:30 na pala.
Bahala na pag-uwi, medyo tipsy narin ako, so baka mag-grab nalang ako pauwi.
"Fuck!" I groaned when I saw my phone.
"Anyare?" Tanong ni Kuya Charles
He's the only sober one sa amin dahil magdadrive pa daw sya.
"I forgot to off my location" I said and showed him my phone.
"Tangina, Arya! 100 missed calls galing sa asawa mo at tadtad ng message. Baka mamaya andyan na sila sa baba" sabi nya.