Arya's POV
"Uy Arya, andyan na naman yung customer mo. Alam ata nya schedule ng pasok mo eh"
Yan ang bungad ni Kuya Charles sa akin pagdating ko sa coffee shop.
Regular employee sya dito, at si Kuya Charles din yung tumatayong Kuya namin dito kasi sya yong pinakamatanda dito.
"Huh?"
"Oo nga, Arya. Pansin namin, kapag may schedule ka ng pasok dito sa coffee shop, andyan din customer mo. Tapos kapag wala kang sched, wala, di din sya pumupunta" sabi naman ni Wynona.
"Akala ko regular customer sya dito?"
"Customer mo, umoorder lang sya kapag andito ka na eh. Baka naman secret admirer mo yan ah" asar nila.
"Issue ka, Kuya Charles" sabi ko.
Nagbihis na ako at nilagay yung apron ko.
"Ako na dito, kunin mo na order ng customer mo" sabi ni Ate Sab, yung isa pang kasama ko dito.
Kinuha ko yung order slip sa drawer at ballpen ko at pinuntahan yung customer ko daw.
"Good Day sir, may I take your order po?" Magalang kong saad.
"The usual" sabi nya.
Tae talaga!
Di maalis sa utak ko yung pagkakapareho nila ng prof ko ng boses.
Halos dalawang buwan narin simula nung naging prof namin si Mr. Anderson. Taena sya pala may ari ng school, and take note! He's the famous Multi-Billionaire Bachelor around the globe!
"Noted po" sagot ko.
Babalik na sana ako, pero pinigilan nya ako.
"Sir?" Tanong ko.
Tangina!!! Tatawag na ba ako ng pulis?
Wala pa naman manager namin ngayon, shetamax!!!
"Do you have a boyfriend?"
"Po?"
Tangina!
Naglinis naman ako ng tenga ah!
Tama ba rinig ko o feelingera lang ako???
"Break up with him"
"S-Sir, w-wala po akong boyfriend"
"Good" sabi nya at binitawan na yung palapulsuhan ko
Dumiretso na ako sa may pwesto namin at sinimulang gawin yung order nya, request nya kasi na ako rin gagawa ng order nya.
"Ano yun? May paghawak ng kamay ah"
"Weird" sabi ko habang ginagawa yung order nya.
"Bakit naman?" Tanong ni Samantha, yung isa pang nakaassign sa may mga cakes.
"Tinanong nya ko kung may boyfriend ako and sabi pa nya hiwalayan ko daw, then I said wala akong boyfriend, tas sabi nya Good daw. Weird" sabi ko.
"Girl, ako na ba mag iinit nitong cinnamon roll?" Tanong ni Sam.
"Ako na, baka makita magalit pa" sabi ko.
"Sige, prepare ko nalang para sayo" sabi nya at nagpasalamat nalang ako.
After ko iprepare yung order nya, sinerve ko na sa table nya.
Bumalik na ako sa pwesto namin at tinulungan si Ate Sab sa cashier. 5 hours lang kasi ako nagwowork dito, MWF lang. Tapos Tuesday naman is andun ako sa Bakeshop ni Mommy, tanging kami lang ni Lola ang nakakaalam nun and ako yung pinapagmanage nya nun.
Thursday naman is pinapasundo ako ni Lola at dun pinapauwi sa mansyon. Ako ang paboritong apo ng lola ko.
Kung tutuusin hindi naman ako totally naghihirap, gustong ilaban ng Lola ko yung last will ng parents ko, kasi kahit daw sa last will nya, pangalan ko yung andun, pero sabi ko ayoko ng gulo, kung kailangan magtrabaho ako para matuto sa buhay gagawin ko, kaya hindi nya ko pinipigilan nang ginusto kong magpart time.
Since 5 hours lang naman ako, di na ko naglalunch break, 20 minutes break lang tapos nagbabasa lang ako ng readings ko.
Tulad ngayon, pagkabreak ko, andito lang ako naka-upo sa loob ng employee room nagbabasa lang ng readings ko habang nagmamark at nagsusulat para reference ko.
"Sipag naman talaga nito." Sabi ni Wynona.
"Kailangan para di bumagsak" sabi ko at ngumiti.
"Alam mo girl, kung tutuusin, di mo naman kailangan magtrabaho eh, diba may Lola ka pa at sya nagpapaaral sayo? So bakit ka nagpapart-time?"
"Para matuto sa buhay. Lumaki akong binibigay lahat ng luho ko. Ayoko na ng ganun, natuto na ko dahil sa ginawa ng Tita ko, ayoko rin na maging burden pa ako kay Lola, gusto ko may pagkukuhaan ako na galing sa sarili kong pinaghirapan" sabi ko.
"Ikaw na talaga! Kaya daming nagkakagusto sayo eh" sabi ni France.
"Grabe! Di naman, tsaka study first tayo" sabi ko at tumawa kami.
Pagkatapos ng break ko, lumabas na ako at tumulong sa paglilinis ng mga tables na mga iniwanan ng umalis na customers.
Pabalik na ko sa may post namin nang may tumawag sa akin.
"Tintin?"
Napalingon ako at nagulat sa nakita ko.
"Lola?!" Gulat na sabi ko nang makita ko syang pumasok sa shop kasama ang bodyguard nya.
Inilagay ko yung hawak kong tray sa may pinaglalagyan namin at nagpunas ng kamay.
Nagmano ako kay Lola at ngumiti naman sa kanya mga katrabaho ko.
"Lola, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"May kakausapin akong tao. Hindi ko naman alam na dito ka pala nagtatrabaho. Apo, alam mo namang hindi mo kailangang magtrabaho, hindi ba?"
"Lola, we've talked about this. I've been working for 2 years, so far so good. Basta kung kailangan niyo ko sa company, I'm always a call away" sabi ko at ngumiti.
"Hay nako, wag kang ngumingiti ng ganyan, lalo kong namimiss ang mommy mo. Pasalamat ka at mahal kita, kundi hindi kita papayagan sa kagustuhan mo na yan" sabi nya kaya napangiti ako ng maayos.
"I'm always thankful for your love, Lola. Kung di dahil sayo baka di ako nakakapag-aral ngayon" sabi ko.
"Can you just go home to me?"
"Umuuwi naman po ako every thursday, tsaka alam niyo naman po rason ko" sabi ko
"Oo na, sige na at baka naiistorbo ko na yung trabaho mo" sabi nya at niyakap ako bago ako lagpasan.
Bumalik ako sa may cashier at nagtaka ako bakit doon sya umupo sa harap nung customer ko.
Nakatalikod sya sa side namin at nakita ko lang na tinanggal nya yung face mask at shades nya.
"Kilala sya ng family mo?" Tanong ni Kuya Charles
"I don't know. Nagkakagulatan lang tayo dito" sabi ko habang nakatingin parin sa kanila, wala pa namang gaanong customer eh.
Nakakafrustrate!
Hindi ko man lang malaman kung sino sya, nakatalikod sya sa side namin kaya hindi ko makita ang mukha nya.
"Bakit kasi nakatalikod?"
"Uyyy kunwari pa, gusto rin makita ang feslak ng customer nya" asar ni Gigi
"Eh kasi pa-mysterious pa sya, tapos kilala sya ng Lola ko, bakit hindi ko sya kilala?"
"Eh di kilalanin mo, puntahan mo dali, nandoon naman lola mo eh" sabi nila
"Ayoko, sesermunan ako ng Lola ko. Kapag may ganyan, ayaw nyang iniistorbo sya" sabi ko
"Itanong mo nalang sa Lola mo mamaya"
"Ganun nalang nga"
Pinagpatuloy ko nalang yung trabaho ko kahit sobrang curious ako sa pinag-uusapan nila dahil tumitingin tingin sa akin si Lola na seryoso ang mukha