CLEO'S POV~
Sa tuwing birthday month ni Clovis, madalas naman kaming kompletong pamilya, minsan nga lang nahuhuli si papu, kuya Clifford at pader dahil na rin sa mga trabaho nila. At ang mga tropa naman, parang noong binyag pa ni baby kami huling nakompleto. Minsan wala ang isa o dalawa.
"Nasaan na nga pala si Richard? Parang hindi ko nakikita?" paghahanap ko pa rito dahil sa lahat ng birthday month ni baby, siya ang pinakamaraming present attendance!
"Nako! May thesis pang kailangang gawin! Babawi na lang daw siya next month." saad pa ni Dylan.
Sayang naman! Kung kailan halos makokompleto na ang lahat.
Munting salo-salo lang naman ang nagaganap, either barbeque party o steak party, minsan samgyeupsal o casual dinner. Basta sama-sama kami, sobrang saya ko na rin nun.
At mas lalo akong sumasaya dahil nariyan silang lahat sa buhay ng anak ko habang lumalaki. Nandiyan silang lahat para sumuporta at tumulong sa amin ni pader.
But I remembered noong una namin naiuwi na si baby sa condo namin ni pader, akala ko parang kagaya lang din noong nasa bahay kami, ngunit hindi pala!
"Pader, paabot nga ng diaper ni baby, please!"
Sigaw ko pa dahil nasa salas kami ni baby at kailangan na niyang makapagpalit bago pa siya magka-rashes.
"Ito na!"
Nagmamadali namang inabot sa akin ni pader ang diaper at minasdan ako kung papaanong gawin ang tamang paglilinis at pagpapalit ng diaper ng bata.
"Bango-bango na ng pwet ng baby na yan ah!" paghalik ko pa sa tiyan ni Clovis ng mapalitan ko na siya ng diaper. Panay tawa at laro lang din siya.
"Talaga bang lalagyan muna ng pulbos?" curious namang tanong ni pader sa tabi ko.
"Oo? Para hindi mag-rash yung pwet niya."
"Ahh, sige sige. I'll remember that."
"Pader, pakikuha nga ng bimpo si baby!"
Sigaw ko pa dahil nalungadan na ni Clov ang bimpo na hawak ko.
Tila nagmamadali naman si pader kahit pa alam kong naglilinis siya ng feeding bottles.
"Here!" pagabot niya sa akin sabay halik sa paa ni Clovis. "Are you tired? I can carry him instead." as he offered.
"Okay lang. Tapusin mo na lang yang ginagawa mo."
"You sure?"
Tumango-tango na lang ako sa kanya kahit pa ngawit na ngawit na talaga ako dahil mabigat na kaagad si baby. Ayoko lang din siyang mapagod dahil siya na halos ang gumagawa sa gawaing bahay dahil ayaw niya akong pakilusin.
Iba pala talaga na kapag ikaw na lang mismo ang nagaalaga at asikaso sa baby! Halos hindi na ko makaligo!
Mula umaga hanggang madaling araw, kailangan ko siyang asikasuhin! Hindi naman maaaring mapuyat si pader dahil pumapasok siya pero minsan siya na ang bumabangon dahil hindi ko na kaya ang pagod!
YOU ARE READING
Because I Love You, Baby
HumorA Because We're Having a Baby book two entitled Because I Love You, Baby. (If you haven't read BWHAB yet, please read it first on my story gallery before proceeding reading this story to avoid confusion on the scenes and characters of the story. Tha...