Chapter 3: A Life With You

54 4 3
                                    

BUMALIK NA RIN kami ng condo ni baby pagkatapos mamili. Medyo mahirap magbitbit, pero kering-keri lang. Sanayan na lang kapag ganito.

Kaagad kong pinasok si baby at nilagay sa kuna niya dito sa salas, tinimplahan ko muna siya ng gatas para makainom na siya at pinatulog ko muna. Mabuti na lang nakatulog din siya kaagad, minsan kasi nagre-resist siya matulog kahit halatang inaantok na.

Saka ko naman iniayos ang mga pinamili ko kaagad. Simpleng mga bagay na ginagawa ko noon, mas nakakapagod na din pala kapag may extra bagahe ka. Bawat kilos mo, dapat alalahanin mong may dala o kasama kang baby.

Nagluluto na ko ng sauce para sa carbonara na ginagawa ko ng marinig kong tumunog ang phone ko. Kaagad ko ring iniwan ang niluluto ko at kinuha ang phone ko na nasa sala. Malamang si pader ito.

Requesting video call...

Si pader nga!

"Hi pader!" pagbungad ko ng sagutin ko ang tawag niya. Nakaharap kaagad sa mukha niya ang phone niya. Kinikilig tuloy ako.

(Hi babe. What are you doing?)

"Nagluluto pa lang ng lunch. I made a carbonara."

(Hmm tirahan mo ako ah? Where's Clovis?)

"Ah, eto oh." hinarap ko saglit ang front cam kay Clovis na nasa kuna niya sa salas at tulog pa rin. "Have you eaten?"

(Not yet, excited na kasi akong makita kayo eh.)

"Hmmm miss mo lang kami eh."

(Syempre naman. Wish to have lunch with you.)

"I'll wait you til dinner."

Maya-maya pa ay napansin kong gumagalaw na si baby, mukhang nagising na kaagad. Lumapit na ko sa kanya at binuhat ko siya. Naupo naman kami sa sofa, inupo ko si baby sa lap ko para nakaharap kami sa phone ko.

(Hi baby!)

Bati naman kaagad ni pader sa anak namin. Halatang natutuwa siya ng makita niya ito.

(Baby, si daddy toh oh. Look!)

Tila nilalaro naman ni pader si baby thru video call namin at hinahawak-hawakan naman ni baby ang phone ko na tila nagtataka kung saan nanggagaling ang boses ng daddy niya.

(Abububu... achuchu.. baby!)

Natatawa na lang ako sa ginagawa ni pader. Feeling LDR kami. Siguro pinagtatawanan na siya ng mga taong nakakakita sa kanya diyan sa canteen ng ospital niya.

(Hi doc Travis.)

Pareho pa kaming napatigil ni pader ng may mga nurses na bumati sa kanya mula sa likuran niya. Nilingon sila ni pader na tila nabigla. (Ah, hi.)

Mukhang nakita na kami ng nurses habang ka-videocall si pader. (Ayan po ba yung baby niyo doc? Awww ang cute naman po...)

Tila pinagkaguluhan naman nila ang anak ko na nakatapat kasi sa front cam ng phone ko. Mga epal naman mga ito ah?

(Ang pogi pogi naman po pala ng baby niyo doc, mana sayo!)

(Maganda rin naman yata ang asawa ni doc Travis.)

(Nako doc palahi nga rin po sa inyo. Hahaha!)

Ewan ko ah? Pero parang gusto kong pumasok sa phone ko at isa-isang pagdadagukan ang mga malalanding nurses na ito! Jusmiyo! Gigil si ako!

"Eheeeeeem!"

Nilakasan ko talaga at hinabaan ko para marinig ng mga haliparot. Sa harap ko pa mismo landiin ang fiancé ko?!

Because I Love You, BabyWhere stories live. Discover now