Chapter 1: Welcome to the family

1.5K 65 15
                                    

CLEO's POV~

"Hey beautiful, it's time to wake up.."

It's like a music to my ears every morning I hear this voice.

I opened my eyes and saw an angel that has been changed my life in just a blink of an eye.

"Good morning.." I smiled

"Wanna eat? I've cooked breakfast."

"Sure."

Pero bigla akong napabalikwas ng may maalala ako. "Si baby?"
Pagbangon at upo ko sa kama na para akong naaligaga dahil naalala kong katabi ko si Clov bago nakatulog ulit.

"Shh! He's still sleeping." pagsuway pa sakin ni Pader at pagturo kay Clov na natutulog sa kuna niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Baliktad na kasi ang shift namin ngayon sa pagaalaga kay Clovis. Ako na ang sa hating gabi hanggang madaling araw at siya naman na sa umaga bago pumasok sa school at internship niya. Mabuti na lamang mabilis ang recovery ni pader kaya nakabalik na siya sa school at internship niya. Konting kembot na lang at matatapos na rin niya ito.

"Let's eat before Clov wakes up." pag-aya pa niya sa akin.

Hays, it seems fast!

Parang kailan lang noong una kong nakita ang lalaking ito. Hindi ko akalain magiging malaking parte pala siya ng buhay ko.

Minamasdan ko lang si pader habang kumakain sa harapan ko. Feeling ko napakaswerte ko at siya ang binigay sa akin ni Lord.

Minasdan ko rin ang singsing na binigay niya sakin noong nag-propose siya. Ang ganda talaga na hindi ko makuhang hubarin man lang kahit saglit.

"You okay?"

Napagtanto ko lang ang ginagawa ko ng taasan ako ng kilay ni pader at tanungin niyan. Medyo panira ng daydreaming.

"Ah oo! Ang cute mo lang kasing tingnan kumain."

"Kaya in love na in love ka eh.." natawa pa ang loko.

"Wow ha? Parang siya hindi patay na patay sa akin?! Inanakan nga kaagad ako oh?"

At tuluyang natawa si pader sa asaran namin. "Syempre naman, baka makawala ka pa eh." sabay kindat pa sa akin.

Shocks! Ang aga-aga pader ah! Grr!

Parang lalong gumuwapo si pader nung naging daddy na ah? Nakakadagdag pogi points din pala kapag hands-on dad noh?

Tapos eto, ako naman ang parang haggard na! Parang stressful pa ang motherhood kaysa sa law!

Bago pa man umalis si pader para pumasok, hahalik muna siya kay Clov kahit pa tulog ito.

"Mami-miss ko kaagad ang baby na toh." paghalik naman ni pader kay baby sa noo habang himbing na natutulog pa rin.

"Tawag ka kapag break time mo, para makausap mo siya."

"Of course."

"Uwi ka kaagad ah?" paghatid ko pa kay pader sa pintuan ng condo.

"Oo naman, kung pwede lang hindi umalis eh." sabay yakap pa sakin at buhat. Hinalikan niya rin ako sa pisngi. Shocks! Kakilig pa rin! Ang bango-bango pa!

Because I Love You, BabyWhere stories live. Discover now