Chapter 7: A Night to Remember

51 6 4
                                    


AND OUR DISCUSSION hasn't come to the end --yet!

"Of course! Tara! Where's your room?" pagtayo niya at paakyat na ng kwarto namin. Napatingin naman ako kay baby na baka magising pero tulog pa rin naman kaya sumunod na lang din ako kay Jen paakyat ng kwarto namin.

"Oh nice! Your room is nice!" paglibot niya pa ng tingin sabay diretso siya sa may pintuan ng balcony. "First of all, dapat itong love nest niyo, romantic ang ambiance. Maganda nga itong kwarto niyo, but seems ordinary. Para kayong kasal na ng 50 years."

Napalibot naman ako ng tingin sa kwarto namin. Mukhang tama nga si Jen, ang boring ng kwarto namin. Mostly white and gray ang kulay ng mga interiors at kahit mga furnitures namin. Pareho kasi namin gusto ni pader ang mga neutral colors.

Maybe you could put some more flowers, candles and curtains. And even spray more sweet and sexy scent of perfumes!" paliwanag pa ni Jen habang naglilibot sa kwarto namin at tingin ng mga naka-display namin doon.

"Sure, I will."

Nakita kong napatingin siya sa mga pictures naming naka-frame sa pader ng kwarto. "Aww so cute!" napaharap naman siya sa akin. Nakatingin siya ng seryoso sa akin at bigla akong nilapitan.

Hinawakan niya ang buhok ko at parang tinitingnan ito. "So plain, flat." saad niya kaya napahawak naman ako sa boobs ko. Napatingin siya sa ginawa ako at natawa ng bahagya. "Hindi yan ano ka ba? Haha! Yung buhok mo!"

Inalis naman niya ang kamay kong nakahawak sa boobs ko at sabay hawak niya roon. "Sakto lang naman ang laki ah? I-push na lang natin ng kaunti para mas sexy di ba?" inaangat-angat pa niya ang pagkakahawak. Pagkaalis ng kamay niya napahawak na lang din ako ulit rito. Actually buti nga nagkaroon na ito ng kaunti simula nagkaanak ako.

"Saka yang pananamit mo – ugh!" para naman siyang nadidismaya. "Wear something fitted and sexy para naman lumitaw ang curves mo! Ganda pa naman ng pwet mo oh!' sabay palo niya pa sa pwet ko nga. Amp!

Tapos naglakad siya patungo sa closet namin, napahinto siya sa whole body mirror na naroon at tinitingnan ang sarili niya. Sexy talaga si Jen, balingkinitan pero may boobs at pwet. Para siyang Aubrey Miles o Yna Raymundo ang peg, pero hindi naman siguro siya retokada noh?

"Alam mo ba kung anong nakakapagpa-turn on sa fiancé mo?" tanong niya sa akin sabay harap. Medyo nabibigla ako sa mga sinasabi niya kaya napailing na lang ako bilang sagot. Umirap naman siya sa akin at tumalikod ulit balik ang tingin sa sarili niya sa salamin. "Well, to be honest, ang mga lalaki talagang nati-turn on yan sa mga sexy, pero kahit hindi ka sexy at maganda, pwede pa rin silang ma-turn on sa iyo."

"Wha – what do you mean?" takang tanong ko pa. 

Sa totoo lang din, hindi ko nga rin alam kung ano bang nakakapagpa-turn on kay pader. Ni hindi naman ako gumagawa ng paraan para sadyaing ma-turn on siya sa akin. Oo, ramdam kong nati-turn on siya kapag nagmi-make out kami pero hindi talaga matuloy-tuloy. Hindi ko alam kung dahil sa pagkakataon lang o talagang hindi niya feel makipag-sex pa sa akin?

"In fact, every girl can make any man feeling arouse, the challenge is, for how long?" humarap siya sa akin at nilapitan ako. "You have to initiate sometimes, Cleo. Trust me, he'll going to love it." sincere niyang saad at naalala ko ang mga sinabi rin ni Vana. "Kung ayaw mo, just do something to tease him and make him chase you."

So ako na talaga ang mag-first move ganun ba? Hmm?

"Ha – how?"

"Try to be sweeter and act sexy. When he's around, touch him more."

"Eh kasi –"

"Si baby? Ano ka ba? Hindi pa naman alam ng bata yan! Kahit siguro mag-sex kayo sa harap niya hindi pa niya yun alam!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because I Love You, BabyWhere stories live. Discover now