Chapter Ten

1 0 0
                                    

Nung gabi na, pumunta ulit sila sa university para pumunta sa kani-kanilang dorm.

Aira: grabe, parang ang tagal na nating magkakilala, eh kanina lang naman.

Brandon: oo nga eh. Sige punta na ako sa dorm ko.

Aira: bye!

Pumasok na sila sa kanilang mga dorm.

Habang nag-aayos siya ng kama, may narinig na lang siya na bumukas na pinto.

Aira: sino 'yon?

Bigla siyang lumingon sa kanyang likod pero wala siyang nakita. Pero . . . bukas ang pinto. Nilapitan niya yung pinto tapos sumilip sa labas.

Aira: sino 'yan? Brandon? Ikaw ba 'yan? Paano mo nalaman yung dorm number ko? Brandon?

Pero wala siyang nakita at narinig. Nagtataka siya kasi isa pa roon ay ni-lock na niya yung pinto bago siya mag-ayos ng kama.

Pero hindi siya nagpadala sa takot. Inisip niyang wala lang ang nangyari.

2 HOURS AFTER

Hindi siya makatulog. Hindi niya alam kung bakit, parang sa bawat pagpikit ng mga mata niya, may naririnig siyang maliit na boses, at pagdidilat siya ay bigla na lang 'tong nawawala.

The Hotel Room No. 308Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon