Chapter Thirty-Seven

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa pag-amin ni Tristan at ni Jessie, naging iba ang trato ng mga tao kay Aira. May mga nagsorry sa kanya tapos ang iba ay niyakap pa siya. Marami ang humanga kay Aira dahil hindi siya nagpadala sa mga haka-haka laban sa kanya.

Isa na roon si Brandon.

Lumapit si Brandon kay Aira nang lumabas siya ng classroom.

Brandon: Aira . . .

Umiwas si Aira dahil naaalala niya pa rin ang pangako kay Sophie.

Brandon: Aira, please. Kausapin mo na ako. Ilang Linggo mo na akong iniiwasan.

Aira: ayaw ko nga sa 'yo!

Brandon: okay, sige. Sabihin na nating ayaw mo sa akin . . . pero nandito ako para mag-sorry sa 'yo.

Nalingon si Aira. Nabigla siya.

Aira: huh?

Brandon: naniwala agad ako sa fake news. Naniwala agad ako na papatayin mo si Sophie para sa akin. Nakakainis ako! Patawarin mo ako, Aira, nasaktan pa kita.

Aira: hindi mo kailangang mag-sorry, Brandon . . . kailangan mo lang umiwas.

Brandon: ganoon na ba ka-init ang dugo mo sa akin? Bakit mo ba ako biglang inayawan?

Aira: Brandon! Kasi mahal kita!

Nagulat si Brandon.

Brandon: mahal mo rin ako?

Aira: ha . . . mahal mo ako?

Brandon: oo, Aira . . . kaya sobra akong nasaktan nung umiwas ka. I love you, Aira.

Hindi makasagot si Aira. Parang huminto na lang ang lahat. Tumibok ang puso niya nang malakas.

Aira: I love . . . I'm sorry, Brandon.

Tumakbo si Aira nang sobrang bilis hanggang sa hindi na siya nahabol ni Brandon. 

The Hotel Room No. 308Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon