Jessie: matagal ko na kasing kilala 'yang si Tristan. Matagal na rin akong may crush sa kanya tapos nalaman ko lang nung nakaraan na gusto niya rin ako. Nagkamabutihan kami pero hindi ko naman inasahan na mauuwi kami sa ganito.
Emma: bakit hindi namin nalaman?
Jessie: kasi naman eh, may pagkajudgmental ka Emma! Alam kong pupunahin mo si Tristan kasi may pagka-siga siya! Tapos ayaw ko lang ng sinasabi sa inyo kung sino ang crush ko noh!
Aira: tama na nga 'yan. Alam na ba ni Tristan na buntis ka?
Jessie: oo. Kaya nga sobrang nasstress ako eh! Kasi nung nalaman niya na buntis ako, pilit niya pinapaabort yung bata, sabi niya ayaw niya raw panindigan . . . sobrang nasasaktan na ako, hindi ko alam anong gagawin ko sa bata. Hindi pa alam nina mama 'to!
Emma: aba, fake news spreader na nga tapos nakabuntis pa na ayaw panindigan? Sumosobra na yung kademonyohan niya ha?!
Tatayo na si Emma na nanginginig sa galit. Pero hinawakan siya agad ni Aira.
Aira: tama na. Sobrang sama niya, pero gawan muna natin 'to ng paraan.
Emma: anong paraan?
Natahimik si Aira. Wala siyang maisip na paraan, at naiinis siya sa sarili dahil doon.
BINABASA MO ANG
The Hotel Room No. 308
TerrorDorm para sa isa. Dalawa ang nakatira. Isa lang ang nakikita. 2015