Chapter Forty-One

2 0 0
                                    

Nang matulog si Aira noong gabing iyon, hindi pa rin siya tinigilan ni Sophie.

Hinahabol siya ni Sophie habang tumatakbo sila sa puting lugar.

Sophie: HAAAAH!!! AIRA! PAPATAYIN KITA! MAGSASAMA TAYO SA IMPYERNO!

Aira: tama na please!!!

Nahablot si Aira ni Sophie sa paa at napadapa siya. Hinahatak na siya ni Sophie palapit sa kanya at biglang pinagsasasaksak sa likod. Sumisigaw si Aira sa kada saksak na tinatamo niya. Nakita niya ang mga dugo na tumatalsik kahit saan.

Aira: katapusan ko na . . .

Nakita niya ang isang babaeng tinutulungan si Sophie na buhatin ang bangkay ni Aira. 'Yon yung babaeng nakita niya na noon sa panaginip niya na kasama rin ni Sophie. Binuhat nila ang katawan ni Aira at initsa sa malalim na lugar. Tapos nagising si Aira nang hindi makahinga.

Aira: HAAAAAH! HAAAAAH!

Hinawakan ni Aira ang katawan niya. Kinapa niya ang dibdib niya pati ang likuran at wala siyang nakapang saksak o dugo.

Aira: buhay pa 'ko. Thank you Lord. Buhay pa ako!

Habang pinapakalma niya ang sarili niya ay narinig niyang nagring ang kanyang phone. Nang sagutin niya ito . . .

Aira: mama? Bakit ka napatawag? Anong oras na ah?

Mama: Aira anak ko! Diyos ko! Ayos ka lang ba?

Aira: ma? Alam mo ang nangyari sa akin?

Mama: binangungot ako anak! Nakita ko sa panaginip ko na pinapatay ka raw ng dalawang babae! Sobrang natakot ako kaya napatawag ako sa 'yo!

Aira: ma! Ayos lang ako, buhay na buhay! Pero parehas tayo ng napanaginipan?

Mama: ano?! Aira iba na yata 'yan Diyos ko! Mag-iingat ka! Mamamatay ako sa nerbyos!

Aira: mag-iingat ako 'ma, promise!

Binaba na niya ang tawag at natulala.

Aira: si Sophie rin ang gumugulo sa panaginip na mama? GRABE KA NA SOPHIE!

The Hotel Room No. 308Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon