Kinabukasan ay nagsama-sama ulit sina Emma, Aira, at Jessie para kumain sa labas.
Aira: kamusta ka na, Jessie?
Jessie: eto, medyo mas ayos na, pero masakit pa rin.
Aira: nako, 'wag ka magpapagod at magpagutom ha, baka ano pang mangyari sa 'yo.
Jessie: thank you, Aira.
Napansin ni Aira na medyo masama rin ang hitsura na Emma.
Aira: hoy, Emma. Ikaw ba eh ayos pa?
Biglang nabalik sa reyalidad si Emma na nakatulala.
Emma: oo! Oo! Napuyat lang ako kagabi, siyempre ang dami ring ginagawa tapos ang dami ring nangyari.
Jessie: eh ikaw ba Aira, ayos ka pa ba? Lahat kaya tayo rito mukhang pagod.
Aira: ahh oo. Ayos lang ako. Medyo naiinis pa rin doon kay Tristan dahil sa ginawa niya. Pero 'wag na natin siyang isipin.
Pag-uwi ni Aira sa dorm niya ay gusto niya na agad matulog. Nakatulog agad siya at nanaginip ulit.
Sophie: nabalitaan ko, umamin na ang nagpakalat ng issue.
Aira: oo. Si Tristan Alejo. Kunin mo na siya kung gusto mo.
Sophie: grabe ka naman Aira! Ha ha ha! Eh paano kung ayaw ko?
Aira: well, hindi mo naman kailangan. Kung gusto mo lang.
Sophie: eh paano kung ikaw ang gusto kong kunin?
Aira: ha?
Biglang naiba yung hitsura ni Sophie. Yung buhok niya biglang nagkauwang tapos nakita ang mukha niya. Sobrang kamukha niya si Aira. Mata pa lang ay maguguluhan na.
Sophie: Aira . . . nakita ko ang ginawa mo kahapon . . . naaalala mo ba ang pangako mo?
Aira: Sophie, umiwas naman ako eh!
Biglang lumabas ang isang kutsilyo sa kamay ni Sophie at mabilis niyang sinaksak si Aira.
Aira: AHHHHHH!
Sophie: MAMATAY KA NA!
Nagising si Aira na umiiyak. Takot na takot na siya. Gusto na siyang patayin ni Sophie. Sobra.
BINABASA MO ANG
The Hotel Room No. 308
HorrorDorm para sa isa. Dalawa ang nakatira. Isa lang ang nakikita. 2015