Jessie: Aira! Diyos ko ka! Anong nangyari?!
Aira: Jessie . . . maraming inamin si Emma—este, si Sophie sa akin . . .
Sinabi lahat ni Aira ang mga inamin ni Sophie sa kanya. Nagulat si Jessie sa narinig.
Jessie: hindi ko inasahan na gagawin niya 'to! Ang sakit isipin na siya pala ang tatraydor sa 'yo.
Aira: gusto ko pang makausap sila nang masinsinan, pero hindi na pwede. Namatay na sila kanina.
Nagyakapan sina Jessie at Aira at lumuha.
Naging isang malaking usapan sa campus ang tungkol doon. Marami ang nagsabing baka si Aira ang tumulak kina Brandon at Emma, pero salamat sa CCTV sa rooftop at napatunayan na si Emma talaga ang tumulak sa kanila. Nakita ng mga tao na sinapian si Emma, pero hindi nila mapatunayan kung totoo ba 'yon o hindi, dahil kahit si Aira ay hindi sinasabi sa kanila ang totoo.
Noong kinagabihan ng trahedyang iyon, napanaginipan niya ulit si Sophie.
Aira: lumayo ka sa akin, Sophie! Demonyo ka!
Umiiyak si Sophie, yung buhok niya wala sa mukha niya. Kulay pula na yung damit niya sa dami ng dugo. Tapos yung katawan nina Emma at Brandon nasa tabi niya. Nakahulog lang yung kutsilyo sa puting sahig tapos hawak ni Sophie ang isang patay na tutubi sa palad niya.
Sophie: Aira . . . patawarin mo 'ko. Nagpadala ako sa emosyon ko. Naging masama ako para lang kay Brandon. Sobrang naging madamot ako.
Aira: ngayon ka pa humingi ng tawad . . . ngayong wala na ang lahat.
Sophie: ako ang pumatay sa dalawang taong minamahal ko . . . si Brandon, at ang kaibigan kong si Emma . . . sobrang sama ko.
Aira: please lang, Sophie. Huwag mo na akong guluhin pagkatapos nito. Dahil sa galit mo, dalawang tao ang nawala. Dalawang tao ang nawala sa buhay nating dalawa.
Umiiyak si Sophie at sobrang nagsisisi.
Sophie: iiwan na kita magmula ngayon. Sorry, Aira.
Tapos biglang naglaho ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Hotel Room No. 308
Kinh dịDorm para sa isa. Dalawa ang nakatira. Isa lang ang nakikita. 2015