Chapter Twenty-Three

2 0 0
                                    

Bumalik si Aira sa university matapos ang dalawang araw. May klase pa kasi siya ng Lunes kaya hindi siya pwede magtagal.

Nakita niya agad si Brandon sa may park ng campus.

Brandon: oh Aira, kumusta naman kayo ng mama mo?

Aira: ayon, nasabi ko na sa kanya yung hugot ko sa buhay.

Brandon: ano naman sabi niya?

Aira: eh, sabi niya pagod lang siya kaya minsan nakakaligtaan niya na tawagan ako. Nag sorry naman siya, ayos na ako roon.

Brandon: tara pasyal muna tayo rito. Para hindi ka mastress.

Sumama si Aira kay Brandon sa park. Naupo sila sa bench at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Nagpapatawa rin si Brandon kaya nangingiti si Aira. Napapasaya siya ng mga jokes niya. Nakalimutan niya rin yung mga problema niya.

Pagkatapos nila gumala ay bumalik na sila sa classroom dahil malapit na magklase.

Aira: sige bye.

Brandon: gusto mo magkita ulit mamaya? Gala tayo?

Aira: pwede naman.

Brandon: okay, sige, bye.

Natulala ulit si Aira sa klase. Parang minsan kasi ay naiisip niya yung hitsura nung white lady. Akala pa nga niya ay nakita niya 'yon sa labas ng room nila. Muntikan na ulit siyang atakihin sa takot.

The Hotel Room No. 308Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon