Sunflower

398 16 1
                                    

"NUMBER 20 CRUSH KA NITO!" Sigaw ng bestfriend ko sabay turo sa'kin at humalakhak.

Napasimangot ako. "Hoy! 'Di ah!" Depensa ko. Pero deep inside tumatalon lahat ng organs ko sa loob ng katawan.

Ang puso ko ay nag tu-twerk sa tuwing makaka-shoot ng bola si crush.

May taunang event kasi sa school namin at ang isa sa competition ang basketball. Hindi naman sa pagmamalaki, pero napakaraming gwapo sa school namin, karamihan sa kanila ay mahilig sa sports.

Tipo ko pa naman ng lalaki ay 'yung moreno, mahaba ang pilik mata, sakto lang ang hulma ng katawan at sporty. Yummy tulad ni number 20.

Nakaupo kaming lahat sa bleachers ng field ng aming paaralan. Sa taunang event na ito, mas marami yatang babae ang bumubuo sa populasyon ng audience. Lahat ay kan'ya-kan'yang cheer sa kanilang mga pambato. Iyong iba naman ay may mga bitbit-bitbit pang banners.

May boses ng lalaki akong narinig mula sa'ming likuran.

"Ayan ang patunay na lahat ng babae ay gwapo lang ang gusto."

Napatigil sa paghiyaw ang isang babae at napasimangot. "Kaysa naman sa'yo. Ang panget mo na nga, babaero ka pa."

Nagkatinginan kami ng bestfriend ko sabay humalakhak.

Sa kalagitnaan ng laro ay hindi na magkandahumayaw ang mga nanonood. Halos paos na rin ang iba dahil sa kakasigaw.

"I-shoot mo! I-shoot mo sa'kin ang ball!" Rinig kong sigaw ng babaeng nasa likod namin.

Nagkakanda iyak-iyak na kami sa kakatawa ng bestfriend ko dahil sa kan'ya.

Maya-maya pa ay natigil na muna ang laro upang paraanan ang halftime show.

"CR muna ako," wika ng bestfriend ko.

"Sige, sige," tugon ko at umalis na siya.

Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at binuksan ito upang sana'y mag libang muna nang biglang may tumabi sa'kin.

"Hi," marahan niyang sambit.

Napatingin ako sa kan'ya. Nanlaki ang aking mga mata at gumuhit ang ngiti sa'king labi -si number 20 ang tumabi sa'kin.

Basang-basa siya ng pawis at gusto ko itong punasan. Ang ganda rin ng kan'yang ngiti.

Napa-iwas ako ng tingin dahil sa sobrang kilig.

"Kumusta ka?" Aniya.

"Ah, a-ayos naman," sagot ko at ngumiti sabay hawi ng buhok. Natanaw ko ang kaibigan ko sa 'di kalayuan na talon nang talon at tila ba'y nag che-cheer sa sobrang tuwa.

Nag middle finger ako sa kan'ya ng palihim sabay kinindatan siya.

Nakita ko si number 20 na may hawak-hawak na rosas at envelope.

Napakagat labi ako at napatingin sa itaas. "Lord, siya na ba?" Bulong ko sa'king isip habang nangingiti.

May nag tapat sa'min ng spotlight. Bigla akong nahiya nang mag hiyawan ang mga tao sa paligid.

"Gusto ko lang sabihin na ang bait-bait mo," aniya.

Ini-abot niya sa'kin ang rosas at envelope. "Favor naman, pakibigay ito sa bestfriend mo."

"Ahh... Si-sige," sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Sige. Salamat, ah!" Pagpapasalamat niya sabay hagod sa likod ko at saka umalis.

Nawala ang ngiti sa'king labi at napayuko ako.

"Uy! Anong nangyari? Ba't parang lungkot mo?" Sabi ng bestfriend ko.

Tumingin ako sa kan'yang mga mata. Nakangiti ako, ngunit nangingilid na ang luha sa'king mga mata.

"Sa-sayo daw 'yan," wika ko sabay abot sa kan'ya ng rosas at envelope.

Naglakad ako ng mabilis paalis sa field habang pinu-punasan ang luhang patulo pa lang mula sa'king mga mata. "Te-teka, uy!" Rinig kong sigaw ng bestfriend ko. Ngunit hindi niya na 'ko naabutan.

Someday I will bloom like a beautiful flower and the right person will pick me.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon