Chapter 19

24 1 0
                                    

Chapter 19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 19

Pagkaalis nina Rachel pagkatapos ng maraming oras na pag-stay at pang-iistorbo nila sa akin — bumaba ako para bumili ng noodles sa convenience store.

While I'm heading to the elevator — back to my unit — I remembered what Rachel told me earlier. Rylan wants us to be engaged already kahit wala pa naman kaming isang taon! I'm expecting that Rachel would take back her words but she didn't!

Akala ko biro lang iyon..

Hindi naman ako pwedeng hindi sumang-ayon dahil baka magtampo ang babaeng iyon kapag nalaman niyang tutol ako sa ideya ng Kuya niya. I mean.. it's just too early and I don't have any plans to marry him.. at least at this age. I'm too young! I just turned 20!

Maybe I should call Rylan and ask him about that matter. I don't like his idea. Ni hindi man lang siya nagtanong sa akin tungkol doon!

I'm about to push the door of the convenience store when someone already did it for me. Nagulat naman ako nang makita ko ang lalaking nakita ko sa bar last time!

I'm expecting that his reaction would be the same as his reaction when he saw me earlier this week but he didn't even stare at me anymore. He just looked at me for a moment. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.

It's weird.

I just shrugged it off and entered the store. Hindi ko mapigilang hanapin siya sa loob. Inaakala kong susundan niya ako at tatawagin katulad ng ginawa niya noong nakaraan. He was just probably drunk last time.. but he knows me.

Nang makakuha ako ng kailangan, dumiretso na kaagad ako sa counter. Nakita ko naman ang lalaki na nakaupo sa table malapit sa pintuan ng store. He's drinking a coke in can. I even saw how he is holding it tight.

“Ano, miss? Magbabayad ka ba? I'm in a hurry, umuulan na oh!”

I just stopped from looking at him when a middle-aged woman interrupted my thoughts. Nahuli pa ako ng lalaking nakatingin sa kaniya kaya kaagad akong nagbayad.

“Hindi mo ba talaga ako kilala?” tanong niya nang dumaan ako sa harapan niya.

I took a deep breath and didn't bother to look at him. Nakikita ko mula rito ang ulan na bumubuhos sa labas. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko.

“No, I'm sorry. I don't know you..”

Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. Is that a scheme? He would ask if we have ever met before and then he would flirt with me? Ganoon ba iyon? Kasi hindi ko naman siya nakita pa noon o kahit nakilala man lang sa isang party. I'm not forgetful so I clearly remember everyone that I've met before so I'm very sure that he's not a friend of mine or even an acquaintance!

He's just fooling me around! Definitely!

Lumabas na ako sa convenience store kahit malakas na ang buhos ng ulan. My heart is beating so fast when I got inside the building. Nagmamadali pa ako at baka masundan pa ako ng lalaki. Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang may makita akong bata sa hallway.

Gone with the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon