Chapter 29

18 1 0
                                    

Chapter 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 29

Kahit malapit na kami sa building, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I didn't really know why I confessed to Sir Yves.. at sa ganoon pang sitwasyon. Maybe he was thinking that I'm crazy and delusional a while ago. Iniisip niya rin siguro kung bakit ganoon ako kanina.

And damn it! I just cried just because of that incident! I'm so weak! Ang hina-hina ko pagdating sa lalaking 'yon!

Ano bang mayro'n sa kaniya at nagkakaganito ako?!

I'm thinking if I should just avoid him when I see him at the university or in the building. Pero kung iiwas naman ako — iisipin niyang mahina ako! I should act like nothing happened! I should act like I don't care about the rejection last time!

“Ano bang nangyari kanina?”

Nawala naman ako sa iniisip ko nang biglang magtanong si Lexy sa tabi ko. We're still both wearing our gym outfits. Mas maayos na nga lang ang itsura niya ngayon kaysa sa akin.

“I already told you, Lex.” I sighed.

“Hindi eh. I saw you. Sinundan mo si Willa at 'yong guy kanina sa locker room,” she's maybe referring to Sir Yves and the gym instructor.

Tumingin naman ako sa kaniya nang diretso. “Just to clear things up, i didn't follow them. Pumasok talaga ako ro'n dahil may kukuhanin ako..”

“But you looked spaced out.”

“It's nothing, alright. Marami lang akong iniisip...”

Thankfully, Lexy finally stopped from asking questions at natahimik na rin ako. Baka masabi ko pa sa kaniya ang totoo.

The next few days are normal not until I started receiving congratulations from friends and some batchmates. I have no idea why they're smiling and congratulating me. Halos katulad ng ngiti ni Erica kapag inaasar ako.

“Hey, Alindra! Congrats!”

Tumigil ako sa field ng university nang may madaanang kakilala.

“Why? Ano bang mayro'n?” This time, I bothered to ask what is really happening.

She giggled. “Kunwari ka pa! Alam na namin! Rylan already posted it on his social media accounts! Look oh!”

Kumunot naman ang noo ko nang pinakita niya sa akin ang post ni Rylan. It's a black and white picture of my hand. I'm wearing the ring that he gave me on my finger. Walang nakalagay sa caption but I saw a lot of comments. They are all congratulating us! At kahit isa, walang ni-reply-an si Rylan para mag-explain.

“I even sent him a DM para mag-ask kung totoo ba 'to but he isn't replying so nag-assume na lang kami na engaged na nga talaga kayo.” Tumawa pa si Lianne. “But in fairness, may taste siya ah? Ang ganda ng ring!”

I stared blankly at the post. Bigla akong nairita na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lianne. Hindi ko na rin namalayan na umalis na pala siya.

Gone with the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon