Chapter XII: Name

746 22 20
                                    

Chapter XII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter XII

~•••Raki•••~

"Ayos kalang?"

I asked at nilapitan si Falco. Nag-iisa s'ya sa garden. Ngayon lang sya lumabas after makapagpahinga si Felix at Frett. Medyo nagpanic din siguro sila sa sobrang pag-aalala ni Falco.

We asked them both kung ano talaga ang nangyare, pinakalma din muna ni Manang si Falco sa may garden kaya ako lang ang nagtanong sakanilang dalawa kasama sila Fabio at Fred na alalang-alala din.

"Pa'no ka nakarating doon?" I asked Frett. He now used sign language para mapabilis ang paglalahad n'ya ng kwento while Fred translates it.

"He's saying na naglalaro sila ni Fel. Then, sa kagustuhan n'yang hindi s'ya mahanap ni Fel dahil palagi s'yang natatalo he decides na lumayo ng konti," saad ni Fred.

"Then, he lost his way home. Marami s'yang nakasalubong na tao at tinatanong s'ya so he panicked and tumakbo nalang ng tumakbo until he reached the gate. Sumabay s'ya sa sasakyan palabas thinking it was manong but it wasn't he's just about to enter again when they closed the gate," he added interpreting Frett's hand gestures.

"He waited until buksan ulit yung gate but because it was too hot sumilong s'ya sa ilalim nung boxwood plant sa labas. Because of exhaustion he fell asleep."

Niyakap ko nalang si Frett.

"Wag kanang uulit hah? Takot na takot kami ng mga kuya mo," habilin ko sakanya. Tumango naman s'ya. Pagkatapos non pinapasok na sila ni Manang sa mga kwarto nila dahil galit pa rin si Falco.

He just nodded at me kaya naupo ako dun sa isa pang upuan. Nakakadalawang beer na s'ya. I don't even know where he got the beer. Lagpas alas na nuebe na rin.

"I just want you to know it's none of your siblings fault. Bata lang sila so don't be mad at them," saad ko.

"I know," sagot n'ya tapos natahimik kaming dalawa.

"My mom, she should still be here," he said. Napalingon ako sakan'ya. He chuckled and then sniff then wiped his tears na tumutulo nanaman mula sa mga mata n'ya.

"Sometimes... I want to blame her for leaving me with responsibilities. I was always tied up with them," saad n'ya at nilagok ulit yung beer. Lumingon s'ya sa'kin ulit, he offered me some beer but I refused to. I only drink kapag hindi kona kaya.

"I should've gone first before she does. Pero wala inunahan n'ya ako," dagdag pa nito. Lumabas s'ya sa gate nila kaya sumunod ako, baka kung anong mangyare sakan'ya mukhang medyo may tama na kasi s'ya.

"Where are you going?" Tanong ko sakanya.

"Far from home... Just once," he said. Muntik pa s'yang matumba so lumapit ako pero ayaw n'ya magpaalalay. Naupo s'ya sa sidewalk, sa isang bakanteng lote mga limang bahay mula sa mansion nila.

She Carried The Morgan's Son [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon