Chapter XI
~•••Raki•••~
"Eat up," napalingon ako kay Fred when he suddenly brought me some food habang ginagawa ko yung project ni Frett sa may garden.
"Thank you," natutuwang saad ko. Tapos nagsilabasan silang apat, well apparently Falco isn't around. He's always not around.
"I'll help," Nakasimangot na saad ni Fabio at tinulungan ako. Yesterday kasi, pagkatapos naming mag-usap ni Falco pag-uwi, si Frett may dala dalang paper. Yung parang manual na susundin sa bahay na naasign sakanya using popsicle sticks. It'll be submitted next week.
Kaya eto, pagkatapos ng klase nila at makapagbihis pumunta sila sa garden. Maliwanag kasi dito saka presko yung hangin kaya masarap gumawa ng project unlike sa study area nila.
"Anong sabi ng teacher mo?" Tanong ko kay Felix. Nginisihan n'ya ako.
"Ok naman, hindi nga lang nanalo. Ang peke n'yo kasi ni Falco," singhal n'ya.
"Aba, nagrereklamo ka dyan buti nga nageffort," singhal ko sakan'ya.
"Focus ka sa ginagawa mo tignan mo oh!" Reklamo ni Fabio nung hindi pala dumikit yung popsicle stick.
"Wow, boss! Sorry hah? Yung kapatid n'yo kasi pinag effortan na nagrereklamo pa. Eh hanggang dun lang kaya ko ano ba," singhal ko kay Felix. Natatawa nga si Frett sa'ming dalawa.
"Eh, nagkiss nga kayo ni Falco!"
"Kiss?!"
"What?!"
Really??
Natuod ako sa kinakaupuan ko nung ilabas ni Felix yung kuha kahapon. Halata sa reaction namin ni Falco na nagulat kami sa ginawa ni Felix. Pinanlisikan ako ng mata ni Fabio, hindi naman makapaniwalang tinignan ako ni Fred, tapos nakangisi naman si Frett sa'kin. Sabay-sabay silang lumapit na magkakaiba ang reaction.
"Stop!" Pabiglang saad ko.
"That's not what y'all think? Kita namang hinila kami pareho ni Felix oh," I told them. Tumingin ulit sila sa picture.
"But you still kissed my brother-" pagpupumilit ni Fabio.
"Hindi n'yo gets? Hinila nga kami ni Felix! Ang kulit nyo," reklamo ko sakanila.
Besides it's just a smack kiss, ni hindi ko nga naramdaman lips n'ya.
Wow, really Raki?
"Kahit na, si Raki nakiss si Falco!" Pangaasar ni Felix. Susuwayin ko sana sila nung kusa silang tumahimik nung makitang papalapit si Manang sa'min. I glared at Felix pero bumungisngis lang s'ya at tinago n'ya yung picture.
Nagpatuloy na kami sa ginagawa namin, pero natahimik na sila dahil nakabantay si Manang. Nung dumilim dilim na pumasok na kami, natapos na namin yung unang floor ng bahay na project ni Frett.
BINABASA MO ANG
She Carried The Morgan's Son [Completed]
RomanceMeraki means doing something with soul, creativity or even love. And that was what Raki does for herself, and also for her 4 year old son. She was a teenage mother, now 21 years old. She wasn't able to finish her studies, she was neglected by her ow...