Chapter XXI: New set of friends

703 31 65
                                    

Chapter XXI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter XXI

~•••Raki•••~

Natigilan ako sa pagpasok sa kwarto ni Falco nang mapansing may tao pa dito. I thought umalis sya or pumasok dahil hindi kona nakitang bumaba. Their stepdad was gone, he went somewhere. Glad no one noticed about the thing I did last night.

Ginising ko s'ya. Didn't know he could get this late in bed. Pero napansin kong pawis na pawis s'ya kahit nakabukas naman ang aircon.

"Falco, hey, gising. Falco," I said at niyugyog ko pa s'ya.

"Raki!"

Halos mahulog ako mula sa pagkakaupo sa kama n'ya nang bigla s'yang bumangon habang sinisigaw ang pangalan ko.

"Oh ano? Nandito ako," I told him. Napaismid ako nung makita kong wala s'yang shirt. Tatayo na sana ako para lumabas pero nagulat ako nung hablutin n'ya ang kamay ko at deretso akong niyakap.

Sobrang lalim ng paghinga n'ya, parang napakasama ng panaginip n'ya. I can feel he was so afraid just by the way he hugged me na parang ayaw na akong bitawan. Para s'yang bata... Kusang gumalaw ang kamay ko para tapikin ang likod n'ya at hagurin ito.

Pag-atras n'ya nagulat ako nung may mga luhang pumatak mula sa mga mata n'ya. Then, he turned his back and humiga ulit.

"Hey," I said at umikot. Binuksan ko ang bintana n'ya para may pumasok kahit kapiranggot na liwanag lang.

"Ano ba yung panaginip mo? Bakit tinatawag mo ako?" Tanong ko at naupo sa side ng bed kung saan s'ya nakaharap. Nilingon n'ya ako, he wiped his tears first bago bumangon. Napansin kong nilalaro n'ya ang mga daliri n'ya na parang bata.

"I look dumb right? For crying over some crazy dream," he said.

"Ano ba yon?" I asked again.

"We were beside a cliff, both of us. Someone's chasing us na hindi ko makilala. I over stepped at muntik nang mahulog buti nakahawak ako," he said. Tumango naman ako.

"Then?"

"You just looked at me, wala kang sinabi then you turned your back and left me," he added. Natigilan naman ako.

Did he cry because I left him hanging there without words?

"It was fine to me that you chose to save yourself, but..."

Nakinig lang ako sa kinukwento n'ya. Pero nakakaramdam na ako ng guilt... Because that's what's really gonna happen. I'll probably leave him hanging because of my own fear...

She Carried The Morgan's Son [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon