Samantala si Jao ay naiwan ng mag isa sa pantalan, nagpaiwan na muna sya, sa ngayon ay nagpasya na ang dalawang kampo ng ceasefire muna. Pero ang iniisip nya ay si areeyah, kung nasaan na ba ito ngayon at kung anong gagawin nya para muli itong makuha!
“Jao! Jao!” Isang pamilyar na tinig ang narinig ni jao hinanap nya kung saan at paglingon nya nsa likuran si areeyah, tumatakbo papunta sa kanya
Areeyah! Hindi makapaniwala si jao, Niyakap nya ito mahigpit na mahigpit Hinawakan nya ng dalawang palad ang mukha nito at tila sabik na sabik na pinaghahalikan ito sa noo, sa pisngi sa ilong at sa labi “areeyah hindi ako makapaniwala, andito ka, salamat sa Dyos at bumalik ka” at pinaghahalikan muli ang prinsesa at halos maiyak na sya sa tuwa
Masayang masaya naman si areeyah na makapiling muli ang lalaking mahal.. “jao, hindi ka nila isinama diba.. wala talagang balak si gino na isama ka sa palasyo tama ba ko?”
Tumango lang si Jao “ ang mahalaga nandito ka, akala ko mawawala ka na ng tuluyan sa akin areeyah! At isipin ko pa lang un… parang mawawala na ko sa katinuan, ikaw ang buhay ko areeyah”
Ako din naman Jao, Ikaw din ang buhay ko, patawarin mo ako kung naniwala ako agad kay gino, akala ko talaga nagbago na sya! buti tinulungan ako nung nagdrive ng kotse kanina at ibinaba nya ko at sinabi nya kung sino ang makakatulong sa atin, may liwanag sa muklhang sabi ni areeyah
Sino?
Ang mga monks daw na nakatira sa 'bundok, subukan daw uli natin humingi ng tulong sa kanila. Hindi lang payo ang hihingin natin, hihingi tayo ng tulong upang pumagitna na sila sa away ng pamilya natin
Kung ganon tara na, baka bumalik pa si gino at kunin ka na naman sa akin, hindi ko na kakayanin areeyah! Mamamatay muna ako bago ka nya makuha sa akin
E hindi naman na ako sasama sa kanya e! Alam kong mahirap pero kung ito lang ang paraan para magkaisa na ang buong yangdon at para matanggap ni papa ang pagibig ko sayo gagawin ko ang lahat Jao! Muli nilang binigyan ng matamis na halik ang isat isa bago tuluyang umalis at pumunta sa bundok
Ilang oras din silang naglakad para makarating sa pinakamataas na templo “jao naaalala mo ba ito, ito ung templong inakyat natin noon, nung unang punta ko dito sa yangdon naaalala mo?
Ngumiti naman si Jao “oo naman naaalala ko, gusto mo sakay ka ulit sa likod ko? Para makapag pahinga na rin ang paa mo alam kong pagod ka a kaya sige na sakay na”
Napangiti naman si areeyah, kahit kelan napaka gentleman talaga nito at kinikilig na sumakay muli sa likod ni jao “naaalala ko noon ang sungit sungit mo sa akin, alam kong napilitan ka lang samahan ako dahil utos un ni papa”
Hahaha!! aaminin ko oo medyo napilitan lang ako, wala akong iniisip noon kundi ang mapasaya at mapaglingkuran ang papa mo. At aaminin ko nagka crush na ko sayo nun! Ngiting ngiti si jao habang nakapiggy back ride si areeyah sa kanya! Defense mechanism ko lang magsungit sungitan kasi may nararamdaman ako sa puso ko na sa tingin ko dati e makakasira sa priorities ko noon
“Cge na nga aaminin ko na din na crush na din kita noon, ang gwapo mo kasi kahit masungit ka’ kinikilig si areeyah
Kinikilig na din naman si Jao “ e ako kaya nga ako pumunta ng pilipinas dahil sayo e!”
“ e kasi naman nadale mo ako dyan sa bangs mo hahahaha”
“ikaw talaga” kiniliti ni areeyah si jao
“oy ! oy! Tama areeyah nakikiliti ako, hahahaha!! Sige pag nahulog tayo sa baba mananagot ka sa akin”
“mananagot pala ha!...... ikaaaaaw ‘ itinuloy pa rin ni areeyah ang pangingiliti
“ pag nalalglag tayo I swear maghapon kitang hahalikan, at hindi natin maitutuloy ang misyon natin gusto mo”
Kinilig naman si areeyah sa isiping hahalikan sya ni Jao maghapon pero marami pa silang dapat unahin sa ngayon,
“O bakit natahimik ka, akala ko pa naman mas lalo mo pa kong kikilitiin kapag sinabi ko yon “
Anu kaba, madami na nga tayong hahaluan pa natin ng ganyan, saka mo na gawin yan kapag tapos na tayo sa misyon natin
O sige na sige na
Tamang tama naman na nakarating na sila sa templo
Nakipagpulong sila sa mga monghe. At hindi lang payo ang nakuha nila mula sa mga ito, nangako ang mga monks na tutulong sila sa negosasyon . upang wala ng magbuwis pa ng buhay na taga yangdon at magkaroon ng tunay na kapayapaan sa pagitan ng silangan at kanluran.
“Ashi, ashi behati, may sulat pong dumating, galing po sa templo , inaanyayahan po ata kayo sa isang kasalan! “ pagpapaliwanag ni dorji”
“Dorji, bakit mo alam na paanyaya ito sa isang kasal, nabasa mo na ba ito?”
“ Ah eh! opo ashi”
“At sino ang nagbigay ng permiso sayo na pakialaman ang sulat na hindi naman para sayo?”
“naku sorry po ashi, pasensya nap----“
“Go, uamalis ka na, go to hell”
“opo, ashi” kakamot kamot ang ulong sumunod na lang si dorji
“ Teka dorji” binabasa ni ashi ang sulat “sinong ikakasal? Wala namang nakasulat dito
“Ashi hindi ko po alam”
“ hmmmnn… pero pupunta ako, ipaalam mo yan sa mga monghe, kailangan makuha natin ang loob ng mga monghe na yan, malaki ang magiging tulong nila kung gusto kong mapasaakin ang buong yangdon”
“cge po ashi magpapadala po ako ng mensahe na dadalo kayo sa kasalan na yan”
Katulad ni ashi behati natanggap na din ni anand ang imbitasyon at nangakong dadalo din para sa kaparehong rason ng pagpunta ni ashi..

BINABASA MO ANG
Princess and I "A Twist In Time"
FanfictionAn epic love story of how love conquers all, how two hearts manage to fight for their love