Chapter 11

247 12 0
                                    

Habang patuloy ang digmaan sa pagitan ng mga sundalo ng silangan at kanluran, napakaraming nasaktan, buhay na naisakripisyo .Naging laman na rin ng balita ang pagtatanan ng prinsipe at prinsesa ng yangdon,  Maraming bansa ang naglagay ng travel ban papunta sa nasabing bansa!

Nasa ikalawang araw na ng paglalayag pauwi sa yangdon ang mga taga masantol at ang prinsipe at prinsesa, Nalaman na rin nila ang totoong pagkatao ng ni Jao at Areeyah

"Prinsipe Jao, wala po kayong dapat ipagalala, Sa sandaling panahon ay napatunayan nyo ni prinsesa areeyah na pwedeng magsama ang mga taga silangan at kanluran. At gusto po naming malaman nyo na kaisa nyo kami sa pakikipaglaban para sa tunay na kapayapaan ng yangdon,"

"Salamat mga kasama, hindi namin ito kaya kung kaming dalawa lang ni areeyah, sama sama tayo sa labang ito!" Ngumiti si Jao sa mga kasama at bumaling sa kanyang prinsesa, "Areeyah, pangako matatapos din ang lahat ng to! Matitigil din ang digmaan, at sana kapag natapos na ang lahat ng problema natin….. pumayag ka ng magpakasal tayo!"

Ngumiti naman ang prinsesa! "Jao,pumapayag ako, dahil mahal kita!  Kaya natin to jao! At nagyakap ang magkasintahan"

Samantala sa naghanda na pala ang mga taga kanluran para sa pagdating ng barko!

"Dasho Yuan, inaatasan kita na pamunuan ang lahat ng hukbo na magbabantay sa pantalan. Hindi natin dapat hayaan na may mabuhay sa mga rebeldeng taga silangan..Cge na humayo ka at patunayan na karapat dapat kang maging hari ng yangdon"

Gaya ng sinabi ng mahal na hari, si dasho yuan nga ang namuno sa mga sundalo, nagtalaga sya ng itig tatatlong grupo ng sundalo bawat isang entry point ng Yangdon

Hindi nagtagal palapit na ng palapit ang barkong sinasakyan ng mga taga masantol sa yangdon,

"Mga kasama malapit na tayo! Nakabalik na tayo sa yangdon! Wooohhoooo," masayang pagdiriwang ng lahat pero glit lang dahil may napansin ang isang tripulante

 "Teka lang wag muna kayong magsaya, napakaraming sundalo ng kanluran sa pantalan, malamang nakita na nila tayo sa layong ito at inaantabayanan na!"

"Biglang namayani ang takot sa puso ng lahat"

Nagsalita si Areeyah! "Wag po kayong matakot, wala po tayong dapat ikatakot, Ako po ang unang bababa, antayin nyo po ako dito!" 

"Areeyah, hindi pwede, sasama ako sayo, alam kong nandun si Gino, makikiusap tayo", Tumango naman si areeyah

Pagkadating sa pantalan ay full force at nakaumang na sa barko ang mga baril ng lahat ng sundalo, pero si areeyah lang at si Jao ang lumabas magkahawak ang kamay,

"Teka lang, walang magpapaputok. Bilang prinsesa nyo nararapat na sumunod kayo sa akin, lumabas si Dasho Yuan mula sa likod"

"Ano mikay,  ipinagpalit mo ang mga taga kanluran at sumama sa mga yan! Alalang alala ang mahal na hari sayo at lalo na ako, tapos makikita ka naming ipinagtatanggol mo pa yang mga yan!"

"Oo gino, dahil karapat dapat sila sa pagkalinga ng bansa nila, lahat  tayo dito ay taga yangdon, mapa taga kanluran o silangan walang pinagkaiba, iisa ang bansa natin kaya bakit pinipilit nating hatiin sa dalawa! Karapatan ng mga taong ito ang manatili sa bansa nila, kaya pwede ba  walang mananakit sa inyo, kusa kaming sasama!"

Nakababa na ng barko ang lahat, ng may biglang nagpapaputok , nagkagulo ang lahat, may sumigaw ng “ mabuhay ang silangan” Sumugod rin  ang mga sundalong taga silangan, nagkaroon ng matagal na palitan ng putok.Parehong napakaraming tinamaan ng bala a magkabilang pwersa! Dumanak  ang dugo

Princess and I "A Twist In Time"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon