Kabanata 1

0 1 1
                                    

Kabanata 1 : Unang Araw ng Gampanin.

Haliya's POV :

     Sa wakas!Sa dami ng kumpanyang inapplyan ay nakahanap din kami ng aking kaibigan ng mapapasukan.Kaya naman nagmamadali ako ngayon sa pagtakbo patungo sa sakayan habang kausap ko sa aking cellphone ang matalik kong kaibigang si Syawna na ngayon ay naroon na.

“O?Ano na ba'ng ginagawa mo?” tila nayayamot at natatarantang tanong n'ya mula sa cellphone.

“Heto,tumatakbo.” hinihingal na sagot habang tumatakbo pa rin.

“Ano ka ba?Seryoso ang tanong ko ah!” agad na napikon si Syawna sa akalang pinipilosopo ko na naman s'ya.

“Tingin mo ba nagbibiro ako? Pansin mo bang hinihingal ako,ha mare?!” pataas na tinig ko.

“E bakit kasi gan'yan ang sagot mo?” taranta pa rin siya.

“Diba nga tinanong mo kung ano na ba'ng ginagawa ko?O edi sinabi ko na tumatakbo ako ngayon.” bahagyang pinagpapawisan at hinahapo nang tugon ko.

Ito talagang si Syawna.Palibhasa, nasanay na pinipilosopo ko s'ya kaya ayan,tumatak na sa kokote n'ya.Ngunit bata pa lamang kami ay matalik na kaming magkaibigan dahil magkakaibigan ang mga magulang namin.Sabi nga nila HISTORY REPEATS ITSELF!.

“O ayan ka na naman e namimilosopo ka na naman e! Mahuhuli ka na't lahat, nakukuha mo pang magpagan'yan-gan'yan.”

Gaya ng inaasahan ko, iisipin n'ya na naman ang ugali ko at mababalisa nang dahil sa 'kin.

“Totoo 'to!Praning ka na ba?May oras ako sa pagbibiro at sa pagse-seryoso noh!Saka isa pa,kung hinintay mo 'ko...” naputol na tugon ko ng bigla s'yang bumara.

“Kung inantay pa kita, edi sana madaling-madali rin ako sa pagkaripas ng takbo ngayon kasi dinamay mo pa 'ko sa kakuparan mo?!Pa'no mo naman nasabing may oras ang pagbibiro mo kung kahit hindi oras ng pagbibiro e nagbibiro ka?” pambabara n'ya.

“O s'ya sige!Alam mo,kaysa magtumang tayo ngayon,pakibili nga ako ng kape,hindi pa 'ko nag-aalmusal e.” biglang hinahon ko nang makarating sa highway.

“Haliya Sumapa!Hindi ka pa pala nag-almusal?Na-ku 'yan na nga ba'ng sinasabi ko sa'yo 'yang kakuparan mo hindi mo binabago.” parating sermon niya kung saan binabanggit ang buo kong pangalan.

“Sige na,pakiusap!Huhuhu! Nandito na 'ko sa may highway.Abangan mo 'ko ha.”

Huminto na ako sa highway at pumara ng mga sasakyan habang hindi ko pa rin pinapatay ang cellphone ko dahil panay pa rin ang bunganga ni Syawna.Wala na akong masakyang taxi kasi rush hour na.Ang mga jeep at bus namang dumadaan ay mga puno na.

“Bilisan mo na habang wala pa si sir kung ayaw mong matanggal sa unang araw mo.” pananakot niya.

“Naku!Sige 'pag wala akong masakyan baka sumakay na lang ako sa motor ng MMDA”

“Naku,Haliya.Suliranin mo 'yan.Lutasin mo.Gumawa ka ng paraan.” tugon niya.

“Wala talaga e.'Wag na kaya 'kong tumuloy?” kawalan ko ng pag-asa.

“May magandang balita pa naman ako sa'yo na tiyak na nakakasabik at swak para sa'yo.Nga lamang mahuhuli ka na kaya huwag na lang.”

Tila napawi ang pagka-kunsumi niya sa akin natuwa naman siya sa sasabihin sa akin.Ano naman ang ikinatuwa n'ya?At anong nakakasabik ang sasabihin niya? Curious lang ako.

“Sabihin mo na!Para namang hindi tayo magkaibigan.” pagpupumilit ko.

“Ano ka ba naman!Huwag ka ngang panira d'yan.'To naman.” ramdam ko pa rin ang pagkatuwa at pagkasabik sa kaniya.Pabitin s'ya.

“Ano ba kasi 'yan?” namimilit tanong ko.

“E kasi,ayon 'to sa mga narinig ko ah.Usap-usapan dito sa loob ng gusali.E kasi...” sasabihin n'ya na sanang hindi ko naintindihan nang may biglang umagaw sa cellphone ko.

“Ayyy!Magnanakaw!” agad na sigaw ko ngunit dahil ako lamang ang tao sa tabi ng kalsada ay walang ibang humabol sa snatcher kundi ako lang din.

Bwisit!Napakamalas ng araw na 'to.Andami ko nang suliranin,may bago na naman.Kainis!

Hinabol ko ang snatcher hanggang marating ko ang isang tsanggi kung saan tuloy-tuloy ang aming habulan.

“Hoy! Ibalik mo 'yang cellphone ko,may kausap pa 'ko panira ka!” sigaw ko sa snatcher habang tumatakbo.

May isang kotseng paparating nang biglang tumawid ang snatcher.Bahagyang matulin ang takbo nito at tila hindi napigilan kaya't mabangga ng sulok sa ng harapan nito ang tagiliran ng snatcher dahilan upang mapaliko ang sasakyan patungo sa akin.

Kainis!Isa na namang kamalasan.Muntik na 'kong masagasaan kung hindi pa ako tumalon sa lamesa ng mga paninda ng tsanggi.

Syawna's POV :

Nagulat ako nang biglang sumigaw si Haliya kaya't naputol ang sasabihin ko sa aking pagkataranta.

Naku! Ano'ng nangyari sa kan'ya?Ayos lang kaya s'ya?

“Hoy!Ano'ng nangyari sa'yo?Haliya? Nand'yan ka pa ba?Hoy!” tarantang pasigaw na tanong ko dahilan upang magtinginan sa akin ang mga manggagawa sa loob ng kalihiman.

“Tumahimik ka!” laking gulat ko nang marinig ko ang bulyaw na iyon hindi mula kay Haliya kundi sa ibang tao.

“Saklolo tulong!May umagaw ng cellphone ko!” tila si Haliya ang may sigaw no'n.

“Naku, paumanhin sa inyo.Ah,mawalang-galang na po.” paghingi ko ng paumanhin sa mga taong nabulahaw sabay takbo ng marahan papalabas ng kalihiman.

Paglabas ko ay tila tumigil ang daigdig nang may marinig akong parang sumalpok dahil parang natahimik ang tagpo mula sa aking cellphone.Hanggang sa naputol na lamang ang aming ugnayan.

“Kung sino ka man, pakiusap, huwag mong sasaktan ang kaibigan ko.” hiling ko sa may hawak ng cp n'ya pagkatapos ay naputol na ito.

Naaligaga ako lalo sa mga nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Dito AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon