Warning: This story might disturb you. This story is a story when I wasn't knowledgeable enough for the scenes ( originally written on 5th of May, 2019 ). I cannot delete this one for the sake of the history of the other series which is related here. Thank you."You need a heir, Silas. We need a strong hybrid heir!"
Mariing pumikit si Silas mula sa pagkakaupo niya sa kaniyang upuan sa kaniyang kama. Kinuyom niya ang kamao niya at patagong umirap sa Ama.
"I'm not yet ready for that, Ama. Narito naman ako, hindi ba p'wedeng ako na lang? I'm a hybrid-"
Waquin, his father cursed at him and pointed his forehead. Dinuro duro nito ang utak ng anak habang minumura na kinanliliit naman ni Silas.
"Mag isip ka nga, mag isip kang tarantado ka," muli nitong tinulak ang ulo ni Silas gamit ang daliri, "kung gusto kitang gawing Hari ng kaharian na ito, edi sana noon ko pa lang ginawa, 'di ba? Ayoko ng lalampa lampa at walang kwenta, Silas. Gusto ko ng malakas! Hindi iyakin at tatanga - tanga!"
His father is ruthless. Wala ni sino man ang naglakas loob na kalabanin ang demonyo niyang amang si Waquin Dashkov. Magmula nang mamatay ang panganay na kapatid ni Silas na si Kahel, naging ganito na kalupit ang kaniyang ama sa mga sakop nila at lalo na sa kaniya.
Ni-hindi na nga niya ramdam ang pagmamahal ng isang ama at ina dahil sa pagkawala ng kaniyang kuya. Ang tanging tanong na nangingibabaw sa isip niya simula noong bata pa man siya, anong meron sa Kuya Kahel niya na wala sa kaniya? Anak din naman siya ng mga ito, bakit hindi na niya ramdam ito?
"Kung kinakailangan mang-rape, mangrape!" Anito.
Agad siyang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama at napatayo na roon. Hindi siya lubos makapaniwala sa narinig na iyon. Umawang ang labi niya at napailing.
"What. . ." Mangha niyang tanong, "I will never rape a woman! Ama, tang ina, nababaliw ka na ba?!"
Hinawakan ng kaniyang ama ang magkabila niyang balikat. Pubong puno ng desperasyon ang mukha nito at may ngiti pa sa labi na animo'y simple lang ang tungkol sa panggagahasa.
Even Silas' grew up without his parent's attention, he knows what is wrong and right. He knows how to treat women right, he knows what's good for his woman.
"Sa pamilya ng mga Bueno Vestra. . ." Sabi ng ama niya, "may nag iisa silang anak na babae roon, Silas. Maganda ang lahi niya dahil kinakaya ng dugo nila ang pagdadala ng isang sanggol na bampira. Silas, lapitan mo ang babaeng 'yon-"
"N-no. . ." Iling ni Silas, "hinding hindi ako gagawa ng gan'yang kabaliwan! Huwag mo akong itulad sa'yo, Ama-"
Isang malakas na suntok sa pisngi ang natamo niya sa ama. Pinagmumura siya nito habang iniinda niya ang sakit noon. Napalupasay siya sa sahig dahil doon.
"Kahit kailan ay wala ka talagang kwentang anak," inis na sabi ng ama niya at pabagsak na sinara ang pintuan ng kuwarto niya. "Tang inang buhay 'to!"
Silas forced himself to calm and stop himself from shouting. Pinunasan niya ang dugo sa kaniyang labi at napailing. Lahat ng sinasabi ng Ama niya ay sinusunod niya, ito lamang ang hinding hindi niya gagawin.
His beloved sister, Elatasia Moúrise thought him that it's bad. Elatasia told him that forcing a woman to love him and make love to him isn't right. He should wholeheartedly accept the girl's decision.
Kusang kumilos ang kamay niya para kunin ang telepono niya sa mesa at tinawagan ang kaibigan na si Carter habang naghahanap ng kapa sa kaniyang kabinet. His friend answered and greeted him.
"Woy! Gagi, napatawag ka?" Bakas ang tuwa sa boses ni Carter.
"I need to drink," buntong hininga ni Silas. "Inom tayo."
BINABASA MO ANG
Vampire's Runaway Wife
VampireCOMPLETED | NOT THE ORIGINAL STORY DARK FICTION Silas Andrew Draken Harrith Dashkov. STARTED : JULY 5, 2022 ENDED : SEPTEMBER 15, 2022