Tahimik kong sinubuan si Calius ng kanin habang nanonood sa cellphone ni Silas ng YouTube. Nasa restaurant kami ngayon ni Silas at nasa family table. Madaming pagkain ang hinain halatang hindi namin mauubos.
"You can eat first, baby. I can do that." Aniya at pinunasan ang kaniyang bibig.
"Calius, next time do eat by yourself. Hindi pa nakakakain si ina." Sita nito kay Calius kaya't nag angat ito ng tingin sa'min.
"Okay, I'm sorry." Pinatay nito ang telepono at inabot sa kan'yang ama. "Sorry, mother." Gamit ang kan'yang maliit na palad kinuha niya sa'kin ang kutsara at tinidor na sobrang laki para sa kan'ya.
Hinimay himay ko na lang ang isda at nilagyan pa ng ibang putahe ng ulam ang pagkain nito. Umangal pa ito nang lagyan ko ng gulay ang plato n'ya ngunit pinagsabihan muli ni Silas.
"No, please." Mahinang bulong sakin ni Calius nang lagyan ko ng sitaw ang plato n'ya.
"Masarap 'yan, tikman mo." Sagot ko sa kaniya at kumain na.
Matagal n'yang tinitigan ang mga gulay sa plato n'ya bago napagisipang kumain.
"Good, now try this."
"Father, please, I don't want that . . . I-it taste bitter." Gamit ang malaking tinidor na hawak n'ya, mabilis nitong inalis ang gulay sa plato nito ang nilagay sa'kin.
"Alright, no ice cream for 2 days." Ani ni Silas at tumingin sakin. "Want more, baby?" Sabay naming sinulyupan si Calius na tahimik lang tinatabi ang mga gulay sa gilid ng plato niya, desididong hindi siya kakain.
"Nasundan ko rin ang amoy ni Nathalie, sa wakas!"
Tumigil ako sa pagsubo at nilingon si Astro na nakatingin sa'min at nakaturo ang hintuturo sa'kin habang humahalakhak. Pinagtitinginan na siya ng mga tao kaya't mabilis akong nag iwas ng tingin sa kaniya at inalam ang pagkain ko.
"Tito Ninong, please sit down. You are so noisy." Inosenteng sita sa kaniya ni Calius.
Naupo na si Astro sa mesa namin at walang imik na kumuha ng ulam.
"Akin 'yan." Agaw ko sa kaniya ng nag iisang piraso nang lumpiang gulay.
"Akin na lang, nakailan ka na ata." Agaw n'ya at tinusok ng tinidor.
"Akin 'yan..iisa lang ang inorder namin n'yan para sa'kin." Mahina kong sabi sa kaniya at pilit na kinukuha ang lumpia.
"Give it to her, I ordered it for my wife." Hinampas nito ang kamay ni Astro na may hawak na tinidor ang nilagay sa plato ko ang lumpiang gulay.
Nakangusong kumain si Astro habang si Silas ay lagay lang nang lagay sa plato ko ng pagkain. Nang matapos na kami ay umalis na rin si Astro't may pupuntahan pa raw ito. Dumaretsyo na lang muna kami sa unit niya dahil mamaya pa naman daw ang next meeting n'ya.
"Here you go." May kinuhang isang paper bag sa cabinet si Silas at nilabas ang laman noon.
Isang dress na kulay itim na ang partner ay sandals na kulay puting may takong.
"Hindi ako sanay mag suot ng takong, tsinelas na lang." Tanggi ko habang tinitingnan ang dress.
"Hindi bagay ang tsinelas sa dress." Aniya at lumuhod para sukatin kung kasya ba sa paa ko.
"Meron ka pa ba?" Masuyo niyang tanong.
"Oo.." mahina kong sagot. Bakit kailangan niya pa iyong tanungin?
BINABASA MO ANG
Vampire's Runaway Wife
VampireCOMPLETED | NOT THE ORIGINAL STORY DARK FICTION Silas Andrew Draken Harrith Dashkov. STARTED : JULY 5, 2022 ENDED : SEPTEMBER 15, 2022