Kabanata 26

7K 381 35
                                    

"Stay here." Kalmado n'yang sabi sa'kin nang makarinig nang sigawan sa labas.


"S-silas, si Calius!" Namutla ang mukha ko sa kaba.


Hinalkan n'ya ang noo ko at sinabing papaakyatin n'ya si Astro rito kasama si Calius. Hindi ako mapakali sa kaba at takot. Tumingin ako sa bintana. Madilim na, sobrang dilim na.



Natulog lang kami bago sumama si Calius kay Astro para tumingin ng buwan sa labas ngunit 'di nagtagal ay nakarinig na kami ng malalakas ng ingay.


Bumukas ang pinto at sandamakmak na kalalakihan ang pumasok. Mga pinsan ito ni Astro at pinalibutan ako.



"A-adriel, si Calius? Nasaan si Calius? Anong nangyayari?" Kabado kong tanong.


Lahat kasi sila ay may hawak na espada at pana. Lahat din sila ay mapula na ang mga mata't nakalabas ang pangil.



"Kumalma ka lang muna, Nathalie. Mga tao lang ang nasa labas ngunit may mga dala silang kagamitan. Papunta na dito sina Astro."



Agad namang pumasok si Astro bitbit si Calius at si Evan na hawak n'ya sa isang kamay. Pinalibutan muli kami nila bilang proteksyon habang hinihintay matapos ang ingay sa labas.



"Hindi tayo p'wede magtagal dito baka matunton tayo ng mga tao sa kwarto." Suhestyon ni Carter. Ito ang kaibigan ni Silas na namumuno sa unang hukbo ng bampira.


Hinawakan ni Astro ang braso ko at luminga sa paligid.



"Hindi tayo pwede lumabas sa bintana, may mga tao sa palibot ng mansyon. Sa pintuan na lang talaga tayo lalabas. Kaya n'yo bang lumaban? Dalawang bata ang dala natin." Tanong nito sa mga ito.



Agad na nag sagutan ang mga ito ng oo. Hinawakan ko si Calius at si Evan sa isang kamay. Hinayaan nilang si Astro ang munang maglakad palabas.



Madaming kagamitan ang nasira sa labas at iilang lalaki at babaeng bampira't tao ang nakahandusay sa sahig. Habang palapit nang palapit sa labas ng mansyon ay umiingay lalo.



Hanggang sa malabas kami. Nandoon si Silas at ilang bampira na gumagawa ng kung ano para maharangan ang mga tao. Madami ring hayop ang nakiki- ayon kay Silas para itaboy ang mga ito.



"Timothy, isama na natin si Silas.." naiiyak kong sabi sa kaniya ngunit inilingan nga ako.



"Tungkulin n'ya iyan bilang hari. Kaya n'ya ang sarili n'ya."



"H-hindi n'ya kaya sarili n'ya laban sa mga tao! Kagagaling lang n'ya, Timothy! Hindi siya nananakit ng tao kaya siya laging talo!" Paos kong sabi sa kaniya habang sinisilip si Silas. Palayo na kami ng palayo sa paghila n'ya sa'kin.



Nagtalsikan ang mga tauhan ni Silas sa 'di malamang dahilan. Pati kami ay napatigil sa lakas ng hangin. Nagtagpo ang mata namin ni Silas bago ko siya makita sa aking tabi yakap yakap kami ni Calius.



"Putangina mo, Waquin!" Sigaw ni Astro sa lalaking naglakad palapit sa'min.


Pati ang mga tao ay napa - atras sa itsura ni Waquin. Mas maitim ang ilalim ng mata n'ya at mas ramdam mo ang malakas nitong awra na nagbibigay ng takot sa'min.



"Silas." Mahigpit akong kumapit sa kan'yang braso. Ang dress kong kulay puti ay hinahangin.


"My favorite grandson!" Halakhak n'ya ngunit tinago ko ang mukha ni Calius sa aking dibdib kaya't nawala ang ngiti n'ya sa labi.



Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon