Nakatitig ako sa laptop ko habang may dumadaang mga boys scout sa paligid. Pangatlong araw na namin ito rito at palaging ganoon lang ang ginagawa ko.
Gigising, kakain, sisilipin si Calius, maglalaptop.
Pinagkabusy-han ko talaga ngayon ang pag uupdate dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapag update, wala naman ako masyadong ginagawa.
Randam kong may naupo sa tabi ko bago ko ito sinulyapan.
"Hey, tita. Long time no see."
"Yeah . . . " tamad kong sabi at nag type muli saka ko napagtanto kung sino ito. Marahas akong tumayo ay napataklob sa'king bibig.
"Jesus Christ, Evan!" I shouted at him while he's laughing at me because of my reaction.
"Hey . . . " he waved at me.
Nakapang boys scout itong suot at nakasumbrero pa. Lalo itong tumangkad at nahubog ang pagiging singkit ng kaniyang mata't manipis na labi. Ang maputi nitong balat ay parang mas maputi ngayon kaysa noon.
"Y-you . . . what are you doing here?" Napahilamos ako soaking mukha at hinilot ang aking sintido sa gulat.
Naupo muli ako at pinakatitigan siya. He's smirking at me and it's creepy.
"Because I'm a boy scout." Yeah of course!
"I miss you . . . . you really look like your father." His forehead creased, hindi pa ba n'ya alam?
"Lol . . . you are a tita na talaga, you forgot that I don't have a father." He chuckled. "Maybe your point is I looked like Timothy the wolfie, right? Disgusting." Nalukot ang mukha nito.
Oh . . . he doesn't know.
"I miss you too, I'm looking for Calius but I found you first." Anito at tinanggal ang kaniyang sumbrero. Hinangin ang kaniyang mahabang kulay tsokolate n'yang buhok na nakatirintas.
Hindi siya nagpagupit.
"Nasa gubat sila, nangunguha ng mga kahoy." Hindi ko maalis ang tingin sa kaniyang buhok. His hair and features really reminds me of Timothy.
"Sinong guardian ang kasama mo?" Tanong ko ulit dito.
Tumayo ito at nginisian ako. Sinuot n'ya ang kaniyang sumbrero't naghanda na para umalis.
"Your husband." Then he walked away.
Halos mamutla na ako sa bawat segundong paglakad ni Evan palayo sa'kin.
He's here?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit pinakalma ang sarili. Nathalie, it's just him! Why are you so nervous like this?! He's your husband back then! Siya lang 'yan, hindi naman s'ya nangangain pero ganito na agad ang kaba ko.
I made myself focus on laptop for distraction and to avoid thinking about him. Maybe Evan is just pranking me... pangatlong araw na namin ito pero wala naman kaming nakitang Silas or Evan, ngayon lang si Evan nagpakita.
"Uy, juice oh."
Tumango ako kay Avi at ininom ang juice ko. Kumunot ang noo niya sa'kin.
"Bakit 'di mapakali ang mata mo? Sino hinahanap mo?" Nakatagilid ang ulo nito ang pilit sinusulyapan ang mata ko.
"W-wala . . . May mga bago bang dating na boys scout?" Binaba ko ang baso sa mesa at sinara ang laptop ko.
BINABASA MO ANG
Vampire's Runaway Wife
VampireCOMPLETED | NOT THE ORIGINAL STORY DARK FICTION Silas Andrew Draken Harrith Dashkov. STARTED : JULY 5, 2022 ENDED : SEPTEMBER 15, 2022