Kabanata 29

6.8K 398 63
                                    

"S-Saan kayo pupunta? Bakit narinig ko kay kuya, aalis kayo?"


Sinalubong ko ng blankong tingin si Astro. Sa ngayon, pagod na pagod na ako. Parang walang lakas ang katawan ko at matutumba nang wala sa oras. Buhat buhat ni kuya si Calius sa isang gilid habang nakatingin sa bintana. Alam na n'yang nasawi sina mama at lola at kung anong ginawa ni Silas.



"Nathalie." Matamlay kong nilingon si Timothy at Carter. Kasunod nito ang apat na kalalakihang may bitbit ng dalawang itim na telang binaba sa sahig.



Saktong lumabas na rin ng kuwarto si Silas. Nagsilapitan silang lahat sa'kin at pinakatitigan ang dalawang tela.


"Kaya mo ba? Bubuksan namin ito. Alalayan mo sana siya, Silas." Umiling ako kay Adriel at bahagyang lumayo kay Silas ngunit alam kong naka-agapay ito sa likuran ko.



Pati si kuya ay tumabi sa'kin. Sa unti unting pagbuklat ng tela ay nasisilayan ko ang mukha na hindi na makilalang pagmamay-ari ng lola't mama ko. Lalong tumulo ang luha ko sa tuluyang pag buklat nito. Ang isang hita ng lola ko ay nakahiwalay na sa katawan nito. Ang braso naman n'ya ay halatang hihiwalay na rin. Kay mama ay halos magkahiwa-hiwalay na ang bawat parte.



Pilit akong humalagilap ng hangin sa sikip at sakit ng nararamdaman ko. Wala sa sarili akong humawak sa braso ni Silas habang humihigop ng hangin sa hirap huminga.



"Relax . . .  Inhale, exhale, baby." Hindi na ako umapila nang haplusin n'ya ang likod ko.



Lahat ng taong nakapalibot sa bangkay ay nag iiyakan. Kita ko si Kuya na pilit tinatago ang mukha ni Calius sa dibdib n'ya. Pati si Timothy at tinakpan ang mata ni Evan.



"M-mama." Rinig ko ang malakas na sigaw ni Astro at pag hampas nito sa sahig. "Lola!" Hagulgol n'ya.



Napansin ko na ang pag alog ng balikat ni Silas at bahagya nitong pagyuko't hikbi.



"I'm sorry . . .  I'm so sorry." Tila saming lahat ito humihingi ng tawad. "Bab,  I'm sorry . . . Nathalie-" hindi ko na narinig ang kasunod nitong sinabi nang maramdaman ko ang hilo't hirap lalo sa paghinga. Kusa na lamang natumba ang katawan ko sa braso ni Silas.




"Adriel, she's awake." Marahan ang pagkakasabi ni Silas noon at binitawan ang kamay ko nang makita n'yang nakatitig ako roon.



Napansin ko ang kung anong nakalagay sa ilong at bibig ko. Oxygen. May kung ano ano pa s'yang tinanong sa'kin at chineck.



"May hika ka ba?" Marahan na tanong ni Adriel.



"May hika siya noong bata pa. Siguro nabuhay ulit ngayon " mahinang sagot ni Kuya at naglakad papalapit sa kama't naupo sa gilid ko.



"Masyadong mabibigat ang mga nararamdaman mo simula noong nakaraang linggo, hindi ba?" Nag iwas ng tingin sa'kin si Silas sa itinanong ni Adriel. Tumango ako at hinawakan ang kamay ni Kuya.



"Hindi biro ang hika lalo na't ngayon ka lang inatake kung noong bata ka pa ay meron ka na nito tapos ay hindi na ulit nagparamdam. Mas malala kapag bumalik ang hika mo sa mas matandang edad." Anito at may pinihit doon sa oxygen tank.



"Yeah . . . that's right. Stay away from stress." Tumango ni Timothy.


"Si Calius?" Mahina kong tanong kay kuya. Mapait s'yang ngumiti sakin at inayos ang ilang hibla ng buhok kong dumadampi na mata.



"Na kay Tita." Sagot n'ya.



Pinasadahan ko ang kwarto. "Nasaan si Astro?" Tanong ko muli.




Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon