Kabanata 9

13K 619 131
                                    

"Tama na 'yan. Baka ubuhin kayo."

Kinuha ko ang dalawang mangkok ng kambal na may lamang ice cream na keso. Ginawa pa ni Silas para sa kanila ngayong gabi. Halos mangalahati na rin ang isang cake na ginawa n'ya para sa dalawang bata.

"Father, I want more." Umaasang sabi ni Carmela sa ama.

Tinaasan ko ng kilay si Silas kaya't hindi ito nakasagot sa anak. Sobra na ang sweets nila ngayong araw, baka sumakit ang lalamunan.

"Bukas na lang ulit, malalim na ang gabi. Hindi pa ba kayo antok?" Tanong ko habang tinatakluban ang tupperware na pinag lalagyan ng ice cream.

Sabay sabay umiling ang tatlo. Nilagay ko na rin sa ref ang cake.

"Ako, antok na ako." Walang gana kong sagot at lumapit kay Silas.

"You okay?" Tanong nito sa'kin at hinawakan ang braso ko. Dinikit nito ang katawan nito mula sa likod ko at pinatong ang baba sa'king balikat.

"Okay lang naman. Pakiramdam ko lang ay inaantok na ako." Sagot ko.

"Alright, Calius, go to the bathroom with Carmela and clean your teeth. Matutulog na tayo." Aniya.


Agad namang hinanap ni Calius ang tsinelas niya at hinawakan si Carmela sa kamay bago sabay naglakad papuntang banyo.

"Kaya ba nila buksan gripo roon?" Takang tanong ko. Paano maabot ni Calius yon?


"Calius loves to use his telekinesis, it's no problem." Hinalikan niya ang balikat ko.

"Telekinesis?"



"He can manipulate object with the mind." Sagot niya.

"He also loves to use his animal control. Napapansin kong madalas niyang gamitin sa labas." Pinisil n'ya ang baywang ko.


Nakakakontrol ng hayop si Calius?

"Yeah, also Carmela. Ang hindi lang nakuha ni Carmela ay pagpapalit ng anyo sa lobo, bihira lang ang babaeng bampira na nagiging lobo."

Siguro dapat masanay na akong binabasa niya at sinasagot ang mga  iniisip ko.

"Done."

Pinupunasan pa ni Calius sa bibig at kamay si Carmela.
May toothpaste pa sa damit halatang siya mismo nag lagay sa toothbrush.

"You two, this is your room." Tumigil kami sa isang kwarto.


Binuksan niya ang pintuan at bumungad samin ang isang kamang may parehong kumot na paborito nilang cartoons. Tumakbo roon ang dalawa at nahiga sa kama.

"Kaya ba nilang matulog dito nang sila lang?" Nag aalala kong tanong. Ito ang unang gabi kong hindi sila katabi matulog.

"Don't worry, I got them. Calius can protect her sister." Sagot n'ya at binuksan ang lampshade sa isang gilid.

"Big boy ka na n'yan?" Tanong ko kay Calius.


"I am." Mabilis n'yang sagot at inayos ang kumot.

"If there is something wrong, just knock on mother and father's room, okay?" Hinalikan n'ya ang noo ni Carmela at Calius.

"Kiss, mother." Ngumiti ako at hinalikan si Carmela sumunod ay si Calius.

"Goodnight."

Nang isarado namin ang pinto ng kwarto ay may ngiti sa labi si Silas. Kung hindi siya gwapo, iisipin ko na s'yang baliw.


Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon