Kabanata 20

9.4K 456 80
                                    

"Yoooohooo!"

Sigaw lang ni Evan at Astro ang umaalingawngaw sa kagubatan habang nakasakay kay Silas at kay Astro. Kanina pa sila takbo nang takbo paikot sa mga puno at hindi napapagod. Minsan ay nadadapa pa si Calius kaya't nahuhulog si Evan.

"Napaka - bagal ng alaga mo, Evan!" Halakhak ni Astro habang nakakapit kay Silas.

"He's not my pet, you idiot! He's my brother!" Ikunumpas nito ang kaniyang maliit na kamay at hinampas ng mga dahon sa mukha si Astro.

Puro tawanan lang ang naririnig sa amin. Si Evan na puro pagtatanggol kay Calius mula kay Astro. Sana nga't lumaki ang dalawa na kapatid ang turingan. Magkasundo naman sila at walang problema.

"Ako naman!" Reklamo ko kay Astro nang makalapit sila sa'kin.

Kanina ko pa gustong sumakay kay Silas pero ayaw niya akong pagbigyan.

"Mamaya ka na!" Tawa niya ngunit ihinulog siya ni Silas bago lumapit sa'kin at yumuko.

Isang malakas na halakhak ang ginawa ni Evan at alulong kay Calius dahil sa itsura nito. Nang sumakay ako kay Silas ay umalulong din ito.

"Wala pa akong isang oras na nakasakay kay Silas ay pinapaalis mo na ako!" Reklamo nito habang nakatingin sa'kin.

"Lobo ka naman, 'di ba? Sayang naman ang abilidad mo kung hindi mo gagamitin." Pang aasar ko sa kaniya bago tumakbo si Silas nang mabilis.

Napairit pa ako nang lumampas na kami sa limitadong pag iikutan nina Calius.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa kaniya.

Wala sa sarili kong nahawakan ang magkabila niyang tenga sa pagtalon niya nang mataas kaya't kasabay ng pag ungol n'ya ang pagpalit niya ng anyo at pagikot. Bumagsak ako sa ibabaw niya habang s'ya ay nakahiga sa damuhan at walang pang itaas na tumatawa.

"Nakiliti ako sa tainga. Biglaang palit ng anyo tuloy." Mahina siyang tumawa bago hinawakan ang hita ko.

"Tumalon ka kasi, nagulat ako. Baka mahulog ako, e." Kumapit ako sa balikat niya nang umupo s'ya at sumandal sa puno.

Nasa gitna ako ng mga hita niya habang nag lilibot ng tingin sa paligid. Puro puno lang at dahon ang nandito.

"Iikutin natin ang gubat, gusto mo? Mabilis lang iyon, makakabalik agad tayo kung nasaan sina Calius." Tanong niya sa'kin bago dinampian ng halik ang labi ko.

"Kahit saan, basta kasama ka." Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya ngunit nginisian niya ako.

"Night swimming at taal lake later, just the two of us. You want?" Bulong niya sa'kin.

"Tayo lang?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

Binasa niya ang kaniyang ibabang labi bago muling tumango.

"Yea . . . ..just you . . . and, me. Naked under the water." Hindi ako sumagot sa pagkailang. Pakiramdam ko ay ang init ng pisngi ko't hindi siya matingnan sa mga mata.

"You're blushing!" Masaya niyang sabi bago hinaplos ang buhok ko.

"Tara na. Andami mong sinasabi." Nakanguso kong sabi bago tumayo.

Tumayo na rin siya at nagpalit ng anyo bago yumuko muli. Noong una ay mabagal pa ang takbo nito ngunit pabilis na nang pabilis. Madami na kaming nadaanang puno ng kalamyas, santol at kung ano ano pa. Iilang hayop lang din ang nakikita namin.

Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon