KABANATA 12

622 26 3
                                    

Kabanata 12

          NAG-IINIT ang punong tainga ni Pablo habang pabalik-balik siya kakalakad dito sa salas. Hinihintay niyang dumating si David.

Naiinis siya dahil pagka-uwi na pagka-uwi niya ay wala na ito. Nag-aalala na siya. Lalo't anong oras na. Lagpas na ang labindalawang minuto nito sa pagiging lalaki. At batid niyang sa mga oras na ito ay nagbago na ang katawan ng kaibigan. Batid niyang naging babae na naman ito.

Maraming pumapasok sa kaniyang mga negatibo. Babae ang kaniyang kaibigan, batid niyang hindi nito magagawang ipagtanggol ang sarili nito kung sakaling may masama mang mangyare dito.

"Shit!" He pulled his hair in frustration. Na'san na ba kasi ang hinihintay niya? Na'san na ba kasi ang kaibigan niya? Saan naman ito pupunta? Hindi naman sa bahay ng mga magulang nito dahil batid niyang hindi ito makikilala ng magulang. Lalo naman sa trabaho nito.

Nag-punta ba iyon para mag-hanap ng mga babae? 'Di'ba nasabihan na niya itong babalik agad ito sa pagiging babae sa tuwing napuno ito ng excitement sa mga babae? Ang kulit naman talaga ng kaniyang kaibigan.

Napatingin siya sa pinto ng marinig niyang may kumatok doon.

Dali-dali siyang naglakad at pinihit pabukas ang pinto. It was his bestfriend. David. Babae na ito.

"Where did you go?" he asked worried.

"No where." she answered flatly after after going in.

Sinarado niya ang pinto at muli itong binalingan.

"Lumabas ka ng bahay? At 'yan lang ang suot mo? Sando at short."

Hinarap siya ng dalaga at walang buhay siya nitong tinapunan ng tingin. "Ano naman kung sando lang ang suo—"

"Damn, David! Bakat 'yang utong mo." hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili kundi ang mapasigaw.

Akmang nagulat naman ang dalaga ngunit mabilis din iyong nawala. "Ano kung bakat 'yung utong ko? Lalaki parin naman ako ah—"

"Sa tingin mo! Pero sa tingin ng iba, babae ka." inis niyang turan.

Pinag-cross ng dalaga ang dalawang palad nito sa ibaba ng dibdib nito. "Teka, ano bang pakealam mo kung lumabas ako? Bakit bawal na ba akong lumabas ngayon? Bakit ikaw? Nakikipag-date kapa? Bakit ako bawal?"

Nakita ni David kung pa'no nanlisik ang mata ng kaniyang kaibigan sa galit. Ngayon lang niya ito nakita kaya awtomatiko siyang napa-atras. Medyo natakot siya sa itsura nitong bigla din namang nawala.

"David, kaibigan kita. Hindi sa bawal kang lumabas, pero sana man lang sinama mo'ko para incase na may mangyare sa'yo nandito ako para protektahan ka, dahil kaibigan kita."

"I don't need your protection. Kaya kong protektahan ang sarili ko."

"With that body of yours, i bet you can't."

Naiinis na inilang hakbang niya ang kaibigan. "Anong tingin mo sa'kin mahina? Kaya ko paring magpa-bagsak ng lalaki sa isang suntok lang."

Napabuntong hininga na lang si Pablo. Ang kaninang inis niya ay nawala ng lang bigla. Nag-alala lang talaga siya kanina. Ngayon ayos naman ang lagay nito, tila nahugutan siya ng malaking tinik sa lalamunan. Naka-hinga na siya ng maluwag.

"Kumain kana? Nag-handa ako ng pagkain." suhestiyon niya.

"Matapos mo'kong sigaw-sigawan."

Inirapan ni David si Pablo bago niya ito nilagpasan. Nagulat na lang siya ng may yumakap sa kaniya patalikod.

"I'm sorry." bulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad doon. "I'm sorry, David. Nag-alala lang naman ako sa'yo." aniya.

Hindi siya nakapag-salita. Mas okupado siya ng yapos nito at ang init ng hininga nitong tumatama sa kaniyang tainga. Nagsitaasan ang kaniyang mga balahibo sa katawan.

Deeply In love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon