Kabanata 22
"IT'S ALL BECAUSE OF you! It's all because of you, Pablo! Alam mo bang matatanggal lang 'yung sumpa kung may makatalik ako ng lalaking walang experience at dapat maging ako'y wala rin. Dapat itong katawan kong babaeng ito ay wala ring sex-experience. Pero ngayong hindi na ako virgin, wala na ring silbi kahit may makatalik pa akong lalaking virgin! Hindi na rin matatanggal ang sumpa! Alam mo ba 'yun? Kasalanan mo ito e! Kasalanan mo! Pangahas ka!"
Sa kabilang banda. Ilang minutong hindi naka-imik si Pablo ng marinig ang paliwanag ng kaniyang kaibigan. Medyo nakakaramdam siya ng awa para dito, pero hindi siya nagsisisi na nakatalik niya ang kaniyang kaibigan.
"The blame was not all on me. It's your fault too, David. You participated too." ang tanging nasambit ng bibig ni Pablo.
"Umalis kana lang, Pablo! Umalis ka sa sasakyan ko." ang tanging na sambit na lang ni David. Ayaw na rin naman kasi niyang makipag-bungangaan pa sa kaniyang kaibigan.
"No, i'll take you home." sambit ni Pablo at sinimulan na nitong patakbuhin ang sasakyan, mabilis na animo'y nakikipagkarera.
Walang nagawa si David kundi ang isandal ang ulo sa bintana ng sasakyan. Mapasapo sa kaniyang sariling sentido ng bahagyang manakit iyon.
Nakarating sila. Lumabas siya ng sasakyan at mabilis na naglakad patungo sa condo nila. Nang mabuksan ang pinto ay agad siyang pumasok sa loob ng k'warto.
Inilabas ni David ang dalawang malalaking bag niya, upang doon ilagay ang mga gamit niya. Aalis na siya sa condo na ito. Siguro kailangan muna niyang magpa-lamig-lamig. Kailangan muna niyang makapag-isip-isip. Pagod na siya sa ugali ng kaibigang si Pablo. Hindi na niya ito maintindihan.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Pablo na kakapasok palang sa loob ng k'warto.
Hindi umimik si David. Basta inimpake na lang niya 'yung mga gamit niya.
Kinuha ni Pablo 'yung mga damit na sinilid ni David at ibinalik niya iyon sa dati nitong lagayan.
"Pablo, ano ba?"
"Hindi ka aalis, David. Dito lang tayo."
"Nahihibang kana talaga." muling kinuha ni David 'yung damit at muling ibinalik doon sa bag.
Kinuha naman ni Pablo 'yung bag dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng labis na inis.
"Pablo, ano bang problema mo?!" inis niyang bulyaw sa kaibigan.
"Ikaw!" sigaw nito pabalik sa kaniya at humakbang ng ilang hakbang hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa.
Naging maamo ang mukha ni Pablo na animo'y nangungusap. "Ikaw ang problema ko, David."
Muntik maipikit ni David ang kaniyang mga mata ng maramdaman niya ang mainit na haplos ng palad ni Pablo sa kaniyang mukha. Mabuti na lang at kaya pa niya ang kaniyang sarili.
"David, hindi ko alam kung saan nagsimula—saan nag-umpisa. But please believe me. Masaya ako kapag nasa tabi kita, lahat ng parte ng katawan mo hinahanap-hanap ko. Nagseselos ako sa tuwing may kasama kang iba. David..," it took 1 minute before Pablo spoke. "i like you, David—it's not more than like. I love you. I love you, David." seryoso at sincere ang bawat mga salitang binigkas ni Pablo. Walang makikitang pagbibiro doon.
Nabato si David sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung anong gagawin o sasabihin niya ng mga panahong iyon. Basta ang alam lang niya at tanging naririnig ay ang mabibilis niyang paghinga. Dagdag pa roon ay ang nakakabinging pagkalabog ng puso niya.
"Pablo..?" ang salitang nasambit ng bibig ni David.
"Mahal kita.." ani Pablo at sumapo na rin ang isa pa nitong palad sa kaniyang mukha at doon nito sinunggaban ang kaniyang mga labi. Naglapat—naghalikan.
BINABASA MO ANG
Deeply In love With My Bestfriend
RomanceSPG|R-18 Both best friends, sharing same vibes, same attitudes, and same lifestyle. Pablo Maddox and David Park. They share for a living, sharing one bed, one room, one house. Actually they don't mind it at all. They were best of friends after all...