KABANATA 26

547 18 2
                                    

Kabanata 26

       NA-UNANG NAGISING SI David kay Pablo. Napapanglaw pa siyang sinuri ang kaniyang sarili. Magugulat na sana siya ng kaniyang mapagtantong hindi lang panaginip ang lahat. Nagawa nga nilang dalawa ni Pablo ang pagtatalik na iyon na hanggang panaginip ay dala-dala niya.

"We did it? Fuck! We did it?"

Bumaling ang ulo ni David sa lalaking katabi na mahimbing na natutulog. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni David ang mabilis na pagkalabog ng kaniyang dibdib. Parang may nagtatambol doon, hindi niya mawari kung ano. Hindi alam kung ano? O hirap lang siyang paniwalaan ang sarili na maging siya'y may nararamdaman na rin para sa kaniyang kaibigan?

Nasapo ni David ang kaniyang dibdib ng maramdaman niyang mas lalong bumibilis ang kalabog nito. Naramdaman din niya ang biglaang pag-iinit ng kaniyang katawan. Then with the blink of an eye, ang lalaking katawan ni David ay bumalik ng muli sa pagiging babae.

Gulat na sinapo pa niya ang kaniyang dibdib. Bumalik na ang mayayaman niyang dibdib, bumalik na siya sa pagiging babae.

Napakunot ang noo ni David. Alam niyang hindi pa ito ang oras ng dapat ay babalik siya sa pagiging babae. Bakit ngayo'y bumalik siya? Sa pagkakaalam niya'y hindi naman siya na-excite sa mga babae na nagiging dahilan ng pagbabalik din niya sa pagiging babae. Pa'nong..?

Pumasok sa isip ni David ang mga tinuran ng Doctor. Ika nito, dalawang beses ang magiging dahilan ng pagbabalik ni David sa pagiging babae kahit hindi pa nito oras. Una, kung ma-te-turn-on siya sa babae ay agad-agad din siyang magiging babae. Pangalawa, kapag nagmahal siya, doon din ay agad siyang babalik sa pagiging babae kahit hindi pa niya oras.

Nasapo ni David ang kaniyang bibig ng mapagtanto. "could it be.. Fuck! I'm falling in love with him? With Pablo?" sa isiping iyon ay mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib niya.

Hindi na naman dapat na magulat pa si David sa mga napagtanto niya. Alam na alam niya sa kaniyang sarili na talagang nahuhulog na siya sa kaibigan, hirap lang talaga niyang tanggapin. Ngayong may pruweba na. Hindi na siya makakapag-sinungaling sa sariling damdamin. He's definitely falling for his bestfriend. For, Pablo.

Naiwas ni David ang kaniyang tingin sa kaibigan ng maramdaman niyang gumalaw ito at nagmulat ng mga mata.

Nang maging malinaw na ang vision ni Pablo ay malinaw na rin ang kaniyang mga nakikita. Kitang-kita niya ang likod ni David. Hindi na iyon likod ng lalaki, likod ng babae na iyon kaya napakunot ang kaniyang noo.

Sinilip ni Pablo ang relo sa bedside table upang tingnan ang oras. Maaga palang, mamaya pa ito babalik sa pagiging babae nito. Pa'nong babae na ulit ito?

"Ano pa nga ba? Malamang nagpapantasiya na naman ito sa mga babae, kaya bumalik na naman sa pagiging babae." sa isip-isip ni Pablo.

"Hindi pa oras ng pagiging babae mo, ah. Bakit? Nanaginip ka na naman ng mga magagandang dilag?" pabirong tudyo niya kay David.

Ilag at ilang namang tumingin si David sa kaibigan. Agad niyang kinuha ang kumot at isinaklob iyon sa kaniyang katawan. "I'm not." pagtanggi niya.

Ngumiti lang naman si Pablo bago iyon bumangon. Nag-unat-unat pa ito na animo'y nag-e-ehersisyo.

Hindi man lang nagawang mahiya ni Pablo sa kaibigang si David. Pa'no ba naman'y tatayo na nga lang, hubo't-hubad pa. Tapos uunat-unat pa, para tuloy nakikisabay sa pag-unat 'yung mahaba at malaki nitong pagkalalaki.

Hindi tuloy mapigilan ni David ang sariling hindi pukulan ng tingin ang mahaba at malaking bagay na iyon. Iniiwas niya lang ang tingin kapag nahuhuli siya ni Pablo.

Deeply In love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon