KABANATA 16

563 27 5
                                    

Kabanata 16

        SA BAWAT MGA araw at linggo na lumilipas. Walang palya ang kaniyang kaibigan sa pagpapaligaya sa kaniya tuwing nasa katawan siya ng babae. Halos sulitin nito ang kaniyang katawan.

Hindi na rin naman niya magawang makatanggi, dahil sa bawat halik nito sa kaniya, ay wala siyang nagagawa kundi ang tumugon din sa halik nito. Nagiging mahina siya pag-dating dito na hindi naman niya alam kung bakit.

Heto nga't narito na naman siya sa kaniyang katawang babae. Muli nagbalik ang maganda niyang katawan at ang maamong mukha.

Habang nag-aalmusal kasama ang kaibigan. Narinig niyang nag-tunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya iyon at sinagota ang tawag.

"Hello?" unknown number kaya hindi niya alam kung sino ang tumawag.

Napabaling siya ng tingin kay Pablo na nahuli niyang naka-tingin lang sa kaniya. Naka-kunot ang noo nito.

Tumayo siya at umalis. Nag-tungo siya sa balkonahe. Binuksan niya ang pinto at sinara iyon.

"Hello? Sino ulit 'to?" tanong niya.

"It's me. 'Yung lalaking naglitas sa'yo sa bar. Morning, Davina."

"Ohhh, it's you, dude. So good morning." balik bati din niya.

"Free kaba lumabas mamayang gabi?"

"For what?"

"Having some fun. You know, eating outside, walking, just like that."

"Uhmm. Sure, sure. I'm in."

"Then, where should we meet?" tanong nito.

Napaisip naman siya bago niya sinabi ang lugar na kanilang pagkikitaan. Matapos nitong magpaalam sa kaniya ay pinatay na nito ang tawag.

Yes! Lalabas silang dalawa ng kaniyang kaibigan. You know, eating outside. Hell! That sounds fun.

Binuksan na niya ang balkonahe. Nagulat naman siya ng makita doon ang binata.

"Who's you're talking to, David?" he asked.

"None of your business, dude." she answered.

Nilagpasan na niya ang kaniyang kaibigan at itinuloy ang kaniyang kinakain. Hindi na naman nag-tanong ang pa si Pablo hanggang sa matapos siyang kumain.

Habang walang ginagawa. Napagpasiyahan niyang silipin ang mga pinamili. Syempre, kailangan din niya ng masusuot para mamaya.

Blue dress. Red dress. Purple dress. Iyon ang kaniyang mga natipuhang suotin.

Ewan, gusto lang niyang i-try ito mamayang gabi, kahit sobrang kinaiinisan niya ang mga damit na ito. Wala na rin naman siyang magagawa. Nandyan na 'yan.

Sawa na siyang mag-suot ng mahabang damit, malaking pantalon na kailangan pa niyang mag-suot ng sinturon para magkasiya sa kaniya. Siguro kailangan din niyang maging tunay na babae minsan.

Naka-prepare na ang kaniyang suot ng bumalik siya sa sala kung saan naroon ang kaniyang kaibigan na nanonood.

Nakinuod na lang din siya, pero binigyan niya ng distansiya ang pagitan nilang dalawa.

Habang nanunuod, narinig niyang tumunog ang cell phone ng kaibigan. Dinampot naman nito at sinagot ang tawag. Base sa kaniyang naririnig na boses nito ay masama ang timpla ng kaibigan. 'Yung parang may kinaiinisan.

"Okay! I'll come right away." anito bago pinatay ang tawag.

Tinapunan niya ito ng tingin na nag-tatanong.

"May problema sa kompanya. I'll go." anito.

"Go." tipid naman niyang sagot na animo'y walang pakealam sa sinabi nito.

Deeply In love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon