Kabanata 19
"SAAN KA GALING?" hindi mapigilang tanong ni Pablo sa kaniyang kaibigang si David. Sa palagay niya'y kapag hindi siya nagtanong ay baka mawala na siya sa sariling katinuan sa mga pumapasok sa kaniyang isipan.
Walang buhay na tumingin si David kay Pablo at agad din naman niyang binawi. Hinubad niya ang sapatos at iniwan lang niya 'yon.
Dire-dirertso siya sa loob ng k'warto, wala rin namang saysay kung sasabihin pa niya kay Pablo kung saan siya nanggaling. Baka kung ano-ano na naman ang isipin nito. At kung ano-ano na naman ang ipagsasabi nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi parin niya nalilimutan na tinawag siya ni Pablo na sarap lang ang habol.
"Look, David. I'm sorry, okay. Sorry sa mga sinabi ko sa'yo. Please don't be like this. Tell me. Saan ka galing? Bakit naging babae ka ulit? It's not the time ng paggiging babae mo, ah? Tell me? What did you do? Where did you go?"
Tumingin si David sa kaniyang kaibigan ng walang kabuhay-buhay. Bakit ba nito gustong malaman?
"Mind your own business, Pablo."
Iniwas na ni David ang kaniyang tingin dito. Kumuha siya ng towel at pumasok siya sa loob ng bathroom dahil pupuntahan pa niya ang Doctor. Upang magpasama sa lintek na paghahanap ng walang karanasang lalaki para maka-sex niya. At pagkatapos no'n, solve na ang problema niya.
Hindi na niya mararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya para sa kaibigan niya. Mawawala na rin ang namumuo'ng pagkagusto niya dito. Nagugustuhan lang naman niya si Pablo dahil nasa katawang babae siya, 'di ba? Pumipintig lang naman 'yung puso niya para kay Pablo dahil nasa katawang babae siya, 'di ba?
He need to end this bullshit, once and for all. Para matapos na itong kalbaryo niya. Itong paghihirap niya. Itong lahat ng mga dinaranas siya. Maano't kaunting sakripisyo para mawala na ang lahat. Magiging malaya na rin siya.
Matapos makapag-ligo ay tinapis niya ang tuwalya sa katawan niya habang ang face towel naman ay ginamit niyang pang-tuyo sa kaniyang buhok.
Nakita niya si Pablo na madilim ang mukha na nakasandal sa pinto ng k'warto na nakatingin sa kaniya, when the moment he opened the bathroom door.
Hindi na lang ito pinansin ni David. Hindi rin naman niya alam kung anong kinakalam ng utak nito. Hindi na niya problema iyon. May mas malaki siyang problema na umaasa siyang masusulosyunan din. Umaasa siyang magiging malaya na siya sa tila animo'y sumpa na ito.
Kumuha siya ng damit at muling pumasok sa bathroom. Hindi rin naman kasi umaalis ang kaibigan niya sa pinto at mas lalong batid ni David na hindi rin nito inaalis ang tingin sa kaniya. Kaya upang maiwasan ang hindi dapat mangyare ay kailangan niyang ingatan ang sarili. Kota na si David sa kamanyakan ng kaibigan, hindi na niya hahayaan itong lumapit sa kaniya, ni mahawakan ang kahit hibla ng buhok niya.
Matapos makapag-bihis ay sinipat ni David ang kaniyang mukha sa salamin.
David smirked.
Goodbye, Angelic face. Mawawala karin sa paningin ko.
Bumaba ang tingin ni David sa kaniyang dibdib. Bahagya niya itong minasahe at pinisil-pisil. Mawawala ka rin!
Matapos masigurong maayos na ang kaniyang itsura ay lumabas na siya ng bathroom. Naroon parin ang kaibigan nakaharang sa pinto ng kanilang k'warto.
"Tumabi ka, aalis na ako." walang buhay at flat na sambit ni David.
Matiim at matalas ang mga naging pagtitig ni Pablo sa kaniya. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo sa'kin sinasabi kung saan ka pupunta ka. Kung saan ka nanggaling kanina? Kung bakit bumalik ka sa pagiging babae?!" sambit nito na rinig niya ang diin doon nakita din niya ang ginawa nitong pagtiimbagang.
BINABASA MO ANG
Deeply In love With My Bestfriend
RomanceSPG|R-18 Both best friends, sharing same vibes, same attitudes, and same lifestyle. Pablo Maddox and David Park. They share for a living, sharing one bed, one room, one house. Actually they don't mind it at all. They were best of friends after all...