Kabanata 32
NASABI NI DAVID sa doctor ang tungkol sa dalaw niya.
"Dalawa lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka parin bumabalik sa pagiging lalaki at hindi kana muling makakabalik pa."
Nanlaki ang mga mata ni David sa kaniyang mga narinig. Ano raw? Hindi na raw siya makakabalik pa? Bakit?
"Are you kidding me? Hindi na makakabalik? Anong dahilan?" frustrated na tanong ni David sa Doctor.
"Unang dahilan kung bakit hindi kana babalik sa pagiging lalaki every twelve hours ay 'yun ay kung nagdadalantao kana. Kung buntis kana. Pagkatapos mo lang manganak, doon lang mawawala ang epekto ng gamot sa'yo, pagkatapos ay permanente kana sa kung ano ka dati, babalik kana ulit sa kung ano ang tunay na kasarian mo."
Buntis? Talaga nga bang buntis siya? Bu.. buntis? Bu.. bun.. buntis ako?
"Am i pregnant, Doc? Hell—no, please tell me i'm not. Hinding-hindi ko pangangaraping magbuntis. Please, Doc, tell me i'm not, am i?" David seems frustrated every passing minutes.
"Base sa sinabi mong nagkaroon ka ng dalaw—menstruation, then you're not pregnant."
Nakahinga si David ng maluwag sa kaniyang mga narinig. Thankfully, hell!
"Then.. why i didn't change back?"
"I'm sorry, David, ngayon kolang mas natutukan ng pansin ang GCD. Pinag-aralan kopang lalo iyon upang kahit papa'no ay makatulong ako sa'yo. Ayon sa pagsisiyat at pag-aaral sa gamot. Kapag may naka-inom nito, isang bagay lang ang dapat iwasan upang hindi maging permanente ang nagbago nitong kasarian. I didn't warn you before, and now i'm warning you. If you want to change back the way you are. You can't fall in love." tumigil ang doctor bago iyon muling nagsalita. "Mukhang huli na akong ng warning sa'yo. Kung hindi ka buntis ay tiyak akong nahuhulog na ang iyong puso sa pagmamahal. That's why, hindi parin nagbabago ang katawan mo. And i'm sorry again, David, 'cause if you fall in love, magiging permanente nang babae ang iyong katawan for the rest of your life. Mawawala lang ang epekto kung sakaling magbubuntis ka. Wala ng ibang paraan. Iyon lang, David. Hangga't hindi ka nabubuntis, ay magiging permanenteng katawang babae ang magiging katawan mo."
Hindi makapaniwala si David sa kaniyang mga narinig. Permanente? Permanente na siya sa katawang babae? Hindi na siya nakakabalik sa dati niyang anyo unless magbuntis siya na kahit anong mangyari'y hinding-hindi niya gagawin.?
Kahit may solusyon pa.. David felt hopless. Wala ng pag-asa. Wala na siyang pag-asang muling bumalik sa dati at sa kung ano siya.
Pinatay na ni David ang tawag. Wala na siya sa mood makipag-usap simula ng marinig niya ang mga bagay na iyon. There's no way he can turn back without entering hell.
Habang naglalaklak ng alak. Hindi mapigilan ni David ang kaniyang sariling mapangiti ng mapait. A hopeless man, how pitiful he is.
Tinungga niya ang bote ng alak na nakuha niya sa ref nila, walang pakialam kung gumuguhit ang pait sa kaniyang lalamunan. Pa'no ba naman pa siya magkakaroon ng pakialam?
Hinding-hindi na niya magagawa ang kaniyang mga nakasanayan. 'Yung nakasanayang talagang minahal ng buong pagkatao niya. Ngayon, at sa mga susunod pang araw, buwan, o taon man 'yan. Wala ng way para muling magawa ang mga bagay na iyon.
Mahirap tanggapin para sa isang David. Sa isang iglap, naglaho ang nag-iisa niyang pag-asa. Nag-laho ang pag-aakalang makakabalik pa siya. It turned out, it's a dead end.
"Argh!" napasambunot si David sa kaniyang sariling buhok. Hindi niya namalayang kumawala na pala ang luha sa kaniyang mga mata. "Fuck!"
Alam ni David sa sarili niyang gustong-gusto talaga niyang bumalik sa pagiging lalaki, una palang, pero bakit naman ganito? Bakit kailangan siyang pagkaitan?
BINABASA MO ANG
Deeply In love With My Bestfriend
RomanceSPG|R-18 Both best friends, sharing same vibes, same attitudes, and same lifestyle. Pablo Maddox and David Park. They share for a living, sharing one bed, one room, one house. Actually they don't mind it at all. They were best of friends after all...