KABANATA 20

529 19 0
                                    

Kabanata 20

        WALANG NA-HUNTING, na lalaking walang karanasan sina David at ang kasama niyang Doctor. Para lang silang nagliwaliw sa mall.

Papalabas na sana sila ng mall ng may makita ang mga mata ni David. Lalaking nakatayo ng hindi kalayuan sa gawi nila.

Simpleng puting V-Neck lang ang suot nito, tinernuhan ng itim na pantalon, habang puting sapatos naman ang sapin sa paa. G'wapo ito kahit simple lang ang suot.

Sa pagiging desperado ni David na mahanap ang kaniyang hinahanap ay humakbang siya papalapit sa lalaki.

"Hi.?" pagpukaw niya ng pansin sa binata. Nagtagumpay naman siya. Tumingin ang lalaki sa kaniya at nahihiyang ngumiti. Ilag din ito. Mukhang ito na ang virgin guy na hinahanap nilang dalawa ng, Doctor.

Finally.

"Oh, hey..?" anang binata na animo'y nahihiya.

"I'm, Davina Park." pagpapakilala ni David at inilahad pa niya ang kamay niya sa lalaki.

"Oh, i'm Pete Craige. Pleasure to meet you, ms. Davina." tinanggap nito ang pakikipag-kamay niya.

They shooked their hands for about ten seconds, he guessed.

Nagbitaw na sila ng kamay.

"Uhmm." hindi alam ni David kung ano pa ang sunod niyang sasabihin. Hinalungkay niya sa isip ang maaring sabihin since nakita na siguro niya ang makakaligtas sa kalbaryo ng buhay niya. "Want to have a coffee with me?" magalang na sambit niya kahit hindi naman talaga 'yon ang pakay niya.

Sino nga ba naman ang tangang basta-basta na lang mag-aalok ng sex? S'yempre, mas maganda 'yung getting to know each other muna. Pagkatapos doon ni David ipapasok 'yung tanong na a li'l bit too high, a li'l bit erotic, he guessed.

Hindi pa man nakakasagot ang lalaking kaharap ni David ay may bigla ng sumingit na babae sa kanilang dalawa.

"Babe, sino 'yan?" tanong ng babae kay Pete, habang ang mga mata ay nakabaling ng tingin sa kaniya. Animo'y nangingilatis.

"Wala, babe. Nakipag-kilala lang." sagot naman ni Pete na nagawa pang ngumiti sa tinatawag nitong 'babe'. Tiyak si David na mag-nobyo ang dalawa. At dahil may nobyo ang mga ito, ibig lang sabihin ay busted ang plano niya.

"Pa'no miss. Davina? Aalis na kami. Nice meeting you." magalang na pagpapaalam ni Pete kay David. Pinagsalikop nito ang kamay nito at ang kamay ng nobya nito bago si David nilisan.

Ilang segundong tulala si David. Sayang naman kasi, pakiramdam talaga niya ay wala pang karanasan sa sex 'yung lalaki na 'yon. Solve na sana ang problema niya kapag nagkataong hindi umepal 'yung babae na 'yon. Handa na sana si David isakripsyo ang katawang babae niya, makipag-sex sa iba upang maputol na ang kahibangang ito.

"Busted.."

Nauntag siya sa reyalidad ng marinig niya ang boses ng Doctor na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa gawi niya.

Napapadyak lang siya at itinirik ang kaniyang mga mata. Akmang kukutusan na naman niya ang Doctor ngunit sa pagkakataong 'yon ay lumayo na ito sa kaniya habang ngingiti-ngiti.

Maingat din ang kupal!

"Saan na tayo pupunta? Ang hirap naman nito. Malalim na ang gabi!" naiiritang ani David na iritadong napakamot sa kaniyang buhok.

Pa'no na ito? Ang saya-saya pa naman niya kanina! Tapos—shit!

Hindi naman alam ni David na ganito pala kahirap ang mag-hunting ng lalaking walang sex-experience. Kung wala sanang experience sa sex itong Doctor na kasama niya ay baka dito na siya nakipag-sex. Ganoon siya kadesperadong bumalik sa dati niyang kaanyuan.

Deeply In love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon