Kabanata 31
SA TANTIYA NI David ay maaga siyang nagising. Naikunot na lamang niya ang kaniyang noo ng mapagtantong wala na ang kaibigang si Pablo sa higaan.
Where is he?
Dapat pa ba niyang alamin? Kung wala ay wala, hindi na dapat pa niya hinahanap.
Bumangon na siya at nag-unat-unat. Pumasok siya sa loob ng bathroom upang mag-hilamos.
Binasa ng tubig ang kaniyang mukha bago siya bumaling sa harap ng salamin. Ilang minuto siyang napatitig sa kaniyang sarili, bago iyon bumaba hanggang ang tingin ay mapunta sa kaniyang mayayamang dibdib.
Mabilis nag-init ang kaniyang pisngi ng maalala ang kaniyang ginawa. Fuck! I really did that? Shit! That was embarrassing.
Mas piniling ipilig ni David ang kaniyang sarili at kinalma iyon. Isiniksik na lang niya ang walang k'wentang dahilan sa kaniyang isip, na kaya niya nagawa iyon ay dahil sa katawang babae niyang ito.
Huminga si David ng maluwag at muling tinitigan ang babaeng itsura sa salamin. "Ilang oras na lang, magiging lalaki na ulit ako." sambit niya sa kaniyang sarili.
And for the final retouched. Sinuri ni David ang kaniyang pagkababae kung tumigil na ba ang pagdurugo nito. Napapalatak siya ng makitang may mantsa parin ng dugo ang napkin niyang suot. Ibig lang sabihin ay may dalaw parin siya.
Bagsak ang balikat na muli niyang isinuot ang panty, hindi naman ganu'n ka uncomfortable na ang pakiramdam niya lalo't hindi naman ganu'n karami 'yung dugo. Pakikiusapan na lang niya siguro si Pablo na muling magtakid ng napkin sa kaniyang brief upang may magamit siya.
Muntik pa niyang makutusan ang sarili. Sa isip kasi niya'y umalis na ang kaibigan. Pumasok na ito sa trabaho. Sino ba naman kasi siya para manatili ang kaibigan niya sa kaniya?
Isa lamang siya sa mga babaeng—lalaking binibigyan ng atensyon kapag naboboring ito. Kung tatawagin, isa si David sa mga babaeng—lalaking pampalipas oras lang ang role sa buhay ng kaibigan.
Pagkalabas ni David ng k'warto at ng kaniyang maigala ang mga mata sa kabuuhan ng condo. Natagpuan niya si Pablo sa kusina habang pakanta-kanta pa itong nagluluto. Mukhang maganda ang mood.
Bahagyang nagulat si David dahil doon, sa pagkakaalam kasi niya'y nakaalis na ang kaibigan tungo sa trabaho nito. Hindi niya inakalang narito parin pala ito't nagluluto ng pagkain.
Napangiti siya dahil doon pero agad niyang naiwaksi ng bumaling ito sa gawi niya.
"Gising kana pala.." ani Pablo na malawak ang pag-ngiting sumisilay sa mga labi nito. "Just wait for about ten minutes, David. Malapit na rin akong matapos."
Tumango-tango na lang si David bilang pagsagot. Sampong minuto lang ika nga ng kaibigan. Kaya umupo na siya sa bangko sa hapagkainan upang doon na maghintay ng sampong minuto.
Upang mapatay ang sampong minutong paghihintay. Inilabas ni David ang kaniyang telepono at muling nagbukas ng social media account.
Walang bago. Ganun parin. Karamihan parin sa mga babae ay inaaya siyang makipagtalik. Pa'no ba naman siya makaka-oo, kung pati siya'y babae narin tulad ng mga ito? Anong gagamitin niyang batuta para ipasok sa nanunuyot na raw na mga bulaklak ng mga iyon? Daliri? That won't do.
I really wanted to go back. I really do.
Nag-scroll-scroll lang si David sa social media. Napakaraming mga babae ang nakikita niya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Sa ginagawa'y mas pinahihirapan lang niya ang kaniyang sarili.
Agad na niyang itinigil ang ginagawa at sa hindi malamang kadahilanan ay napukaw ang kaniyang atensyon ng likod ni Pablo. Bigla-bigla'y napatitig na lang siya sa binata.
BINABASA MO ANG
Deeply In love With My Bestfriend
RomanceSPG|R-18 Both best friends, sharing same vibes, same attitudes, and same lifestyle. Pablo Maddox and David Park. They share for a living, sharing one bed, one room, one house. Actually they don't mind it at all. They were best of friends after all...