Chapter 01

38 2 0
                                    

"OOTORI-SAMA." Yumukod siya bilang parte ng pagbati niya sa kanyang amo.

"You don't need to bow, Elaine."

"I have to because your my master." Wala itong magawa kung hindi ang balewalain na lang ang sinabi nito.

Nagtatrabaho siya bilang bodyguard nito. Ito ang pangatlong anak ng isang mayamang pamilya at kailangan nito ng proteksyon laban sa mga masasamang loob. Dahil sa yaman nila ay madaming gustong dumukot dito at magrequest ng ransom bilang kapalit nito. Kaya ang trabaho niya ay protektahan ito.

"Elaine-san, while I'm at school you need to stay here," utos nito sa kanya.

"But Ootori-sama, I need to keep an eye on you. It's the order from the boss." Ang boss na tinutukoy niya ay ang ama nito. Hindi pwedeng mawala sa paningin niya ang binata dahil baka kung may mangyari dito.

"Do you actually think that I'll be in trouble even in school?," hinarap siya nito ng malapit na sa sasakyang maghahatid dito sa eskwelahan nito.

"Yes." diretsong sagot niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Sumasakit siguro ang ulo nito dahil sa kanya. Kung ganoon man ay kailangan niyang pagaanin ang loob nito.

"Are you having trouble because of my presence, Ootori-sama?," wala sa sariling tanong niya dito.

"I just need some space. And I'm just uncomfortable not troubled," sagot naman nito sa tanong niya.

Kung hindi ito komportable sa presensya niya kaya kailangan niya itong gawan ng paraan. Hindi niya pwedeng bigyan ng alalahanin ang kanyang amo kung hindi ay malalagot siya sa boss niya.

Nang pumasok ito sa kotse at narinig niyang may tumatawag sa kanya.

"The boss need to speak with you," balita nito.

Binalingan niya ang binata at sinabihang mauna na itong umalis. At ipinangako din niya dito na gagawin niya ang lahat para maging komportable ito habang binabantayan niya ito.

Tango lang ang sinagot sa kanya ng binata.

Pumasok siya sa mansion at tinungo ang office ng kanyang boss. Kumatok muna siya bilang pagbibigay alam na nandoon na siya.

"Ohairi nasai," narining niyang utos nito na ang ibig sabihin ay pumasok siya sa loob. Nakakaintindi siya ng Japanese dahil ilang taon siyang namalagi sa bansa para magtraining.

"I want you to enroll yourself at Ouran Academy. You need to keep your eyes on Kyouya. Is that clear?" Nagtaas ito ng tingin at tinitigan siya sa mata.

"Hai, Kaichou-sama," pagsang-ayon niya dito.

"Zen shin." Pinapaalis na siya nito.

Bago siya lumabas ng kwarto ay yumuko muna siya biglang pamamaalam niya. Ngunit hindi man lang ito lumingon sa kanya.

Agad niyang inasikaso ang kanyang mga papeles para makapasok sa Ouran Academy. Doon din nag-aaral si Ootori-sama kaya alam na niya ang dahilan kung bakit siya pinapapasok sa paaralang iyon.

Nagpatulong siya kay Yuri-san na sekretarya ng boss niya para mabigyan siya ng recommendation at makapasok agad. Papasok siya sa eskwelahang iyon para sa isang trabaho ngunit kailangan din niyang mag-aral. Magiging problema ang oras na gugugulin niya dahil ang dalawang bagay na iyon ay kailangang pagtuunan ng pansin.

Malayo-layo rin ang eskwelahan kaya sumakay siya ng bus papunta doon. Nang makasakay na siya ay napapansin niyang nakatingin sa kanya ang mga pasahero ng bus. Pero inignora niya anag mga ito.

Ang iba ay namamangha at namumula pa ang mga pisngi. Napagkamalan siguro siyang lalaki. Kahit na mahaba ang buhok niya ay lagi itong nakatali. Meron din siyang breast bind para maging komportable siya kapag may mangyayaring labanan. Kaya inaakala ng iba na isa siyang lalaki. Kawawa naman ang mga nag-aassume na lalaki siya dahil hindi sila talo.

Kahit na ganoon ang trabaho niya ay alam pa rin niya ang nararapat sa kanya. Ngunit sa panahon ngayon ay trabaho muna ang pagtutuunan niya ng pansin.

PAPASOK na siya sa office kung saan naroroon lahat ng mga guro ng paaralan. Hindi ito nagkakalayo ng setting sa Pilipinas ang pinagkaiba lang ay may sari-sarili itong cubicle bawat guro. Madaming mga papeles na nakatambak sa bawat mesa. Meron ding water dispenser sa gilid ng silid. Sa may bintana naman ay matatanaw ang malawak na hardin na may tanim na iba't ibang bulaklak.

"Konnichiwa," bati sa kanya ng isang lalaki mula sa kanyang likuran na sa tingin niya ay nasa mid 30's na ang edad.

"Konnichiwa," balik na bati din niya dito. "Watashi wa Elaine desu," pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"The foreign transfer student." patangu-tangong sabi nito sa kanya. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

"Hai." Pagsang-ayon niya sa sinabi nito.

Nagpatiuna itong lumabas ng silid at sinabihang sundan niya ito. Habang papunta sa kanilang destinasyon ay ikinuwento nito ang tungkol sa recommendation ng kompanya ng kanyang boss kaya natanggap siya agad. Maliban pa sa entrance exam na ibinigay din ang resulta noon sa kanya.

Mapupunta siya sa 3-A. Ang first section ng 3rd year. Kung nasa Pilipinas siya ay dapat na nasa kolehiyo na siya ngunit sa bansang Hapon ay nasa hayskul pa lang siya. Uulit pa siya ng ilang taon bago mag-college.

"Elaine-san, Nihongo ga wakarimasu ka?," tanong nito sa kanya ng nasa harap na sila ng isang silid na may nakasuat sa taas na 3-A. Tinatanong nito kung nakakaintindi bad aw siya ng salitang hapon.

"Hai, chotto wakarimasu." Ang ibig sabihin ay konti lang. Minsan kasi ay nakakalimutan niya ang ibang salita ng hapon. Lalong-lalo na noong umuwi siya sa Pilipinas. Kinailangang pag-aralan niya ulit ang lengguahe ng bansa.

Papasok na sana siya ng harangan siya nito.

"Wait there and I'll call you to come in." at pumasok na ito sa loob. Narinig niya ang pagbati ng mga studyante sa loob. Ibinalita nito na may bago silang kamag-aral at siya iyon. Narinig niyang pinapapasok na siya nito at pinapasulat ang kanyang pangalan sa black board.

Sinunod naman niya ang utos nito.

"Watashi wa Elaine desu. And I'm currently working at Ootori-sama as his bodyguard," pagpapakilala niya sa buong klase.

Napansin niya ang matalim na tingin sa kanya ng isang estudyante. Nang aninagin niya ito ay nakita niya ang kasasabi lang niyang pangalan. Kung ganon ay kaklase pala niya ito. Hindi nakalampas sa pandinig niya ang paghanga ng ilang kababaihan sa kanya.

Napagkamalan ka na namang lalaki. Kahit na sinabi mo na ang ang pangalan mo.

Pinaupo siya sa may likuran ng silya ng binata. Sinabi na nito iyon noong papunta pa lang sila sa silid. Pumayag naman ito agad dahil alam nito ang dahilan.

Ang una nilang subject ay English. Hindi sa pagmamalaki niya ay mahusay siya sa subject na yun.

"Ano Elaine-sama, do you want to share your book?" napangiwi siya sa sinabi nito. Siguro ay nais nito ishare sa kanya ang libro at hindi siya ang magshare ng libro dito. Nginitian niya ito at tumango.

Nabulabog ang buong klase ng magtitili ito. Lahat ng istudyante ay napatingin sa gawi nila.

"Akari-chan, please stop screaming. We're still in class," pakiusap niya dito.

"Hai." Pero tutok pa rin ang tingin nito sa kanya. Kung makatitig ito ay parang mawawala siya oras na tumingin sa iba.

Kagaya ng inaasahan ay nagstand-out siya sa klase at maging sa iba pang subjects nila. Lagi namang nakasubaybay sa kanya si Akari na katabi niya ng upuan para alam niya kung ano ang nangyayari sa klase kahit na baluktot ang ingles nito.

My Lady In Suit: Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon