MAKALIPAS ang ilang araw ay hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan tungkol sa naganap na pamamaril sa may cefeteria. Pati na rin ang pagkakaroon niya ng baril ay nausisa rin kaya pinatawag siya sa opisina ng principal.
"I heard from the students that you were carrying a gun inside the school, it is true?" walang paligoy-ligoy na tanong ng principal sa kanya.
Tumango lang siya sa tanong nito.
"Why?"
"I need it for my job, sir."
"Do you know that it's prohibited to bring firearms inside the campus? Especially by a student?"
"Yes."
Bumuntong hininga ang principal. Sa una ay naunawaan nito ang paliwanag niya. Pero binigyan siya ng punishment para maging fair ito sa ibang estudyante.
100 laps sa race track. Walang problema sa kanya iyon. Ang tanging hinaing niya ay ang sugat niya sa kanyang braso. Hindi niya napansin na nadaplisan siya ng bala ng harangan niya ang binata.
"You'll start tomorrow morning at 8. Bring your P.E. uniform with you."
"Yes, sir."
Lumabas na siya ng silid at nagpakawala ng isang napakalalim na buntong hininga. Kailangan niyang paghandaan ang parusa bukas dahil mahihirapan siyang tumakbo dahil sa sugat niya.
Dumiretso siya sa kanilang klase. Wala pa noon ang kanilang guro kaya nakahinga siya ng maluwag.
Napasinghap ang katabi niyang si Akari. Itinuro nito ang kanyang kanang braso. Nang tingnan niya ang tinuro nito ay napansin niya ang bahid ng dugo sa kanyang kamay. Bumuka siguro ang kanyang sugat kaya nag-umpisa na naman itong dumugo.
Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa infirmary. Nakasalubong niya ang kanilang guro at ipinakita ang dumudugong kamay niya. Agad naman siya nitong pinayagan dahil sa patuloy na pagdaloy ng dugo.
LUMABAS na lang siya ng infirmary ng patapos na ang klase sa araw na iyon. Katakot-takot pa ang nakuha niyang sermon sa school nurse ng makita ang sugat niya. Tinahi na nito iyon para masara dahil medyo malalim ang sugat kahit na daplis na lang ang tama ng bala sa kanya. Nagpaalam na siya sa nurse at pinauhan siyang magpahinga muna kahit ilang araw lang. Tumango na lang siya para hindi ito magsalita pa.
Papunta siya sa klasrum nila para kunin ang bag niya. Nagulat pa siya ng makita niya si Kyoya na nakaupo sa upuan niya. Nakatingin sa kanyang mesa. Nang lapitan niya ito at tingnan ang tinitingnan nito ay may dugo pa pala doon. Nalagyan siguro ito ng ipatong niya ang kanyang kamay kanina.
"Ootori-sama, you're late for your club activities." Paalala niya dito. Nang lingunin siya nito ay blangko ang mukha nito.
Tumayo ito at lumabas ng silid. Nalilito man ay sinundan niya ito hanggang sa silid kung saan naroroon din ang iba pang membro ng club.
"Elaine-sama, are you okay now?" nag-aalalang tanong ng tatlong babaeng lumapit sa kanya. Tango lang ang sagot niya sa mga ito. Ayaw na niyang magsalita pa. Kilala niya ang isang babae. Mapang-usisa at gagawin ang lahat makuha lang ang impormasyon na gusto nila.
Kung magsalita ka parang hindi ka babae ha tudyo sa kanya ng kabilang bahali ng isip niya.
Babae nga rin siya pero hindi katulad ng mga nasa harap niya na mahinhin at di makabasag pinggan bwelta naman ng sa kabila.
Pati siya ay naguguluhan na rin sa kanyang sarili sa mga nangyayari. Lagi na lang niyang iniisip na isa siyang lalaki. Kung ano ang kayang gawin ng lalaki ay kaya din niyang gawin.
BINABASA MO ANG
My Lady In Suit: Fall For You
General FictionStory based on the animated series Ouran HIgh School Host Club with additional characters. Focused on Kyouya Ootori's love life.