Chapter 02

11 2 0
                                    

LUNCH break. Meron man o wala siyang baon ay inuna muna niyang asikasuhin kung kakain ang kanyang binabantayan. Hindi siya magpapakita dito dahil sinabihan na siya nito kaninang umaga na hindi ito komportable pag malapit siya dito.

Nakita niyang pumasok ito sa cafeteria kasama ang kaibigan nitong si Suou Tamaki. Ang presidente ng host club sa Ouran Academy. Inimbestigahan niya ang mga taong nakakasalamuha ng binata kaya kilala niya ang mga ito.

Kilala din niya ang mga estudyante ng paaralan. Mahirap mang memoryahin ang mga 'yon ay kailangan niyang gawin.

"Elaine."

Napahinto siya sa paglakad palayo ng marinig niya ang tawag nito sa kanya. Hindi siya nagdalawing isip na balikan ito at niluhod ang kanang tuhod sa sahig at nakayukod ang ulo.

"Hai, Ootori-sama." Hindi pa rin niya itinataas ang kanyang ulo.

"Follow me." Napatingala siya sa sinabi nito. Ang likod na lang nito ang nakita niya dahil naglalakad na ito palayo sa kanya.

"Yes, Ootori-sama." Tumayo siya at sumunod dito.

Tumigil ito sa isang lamesa na may sampuhang upuan. Malapit ito sa bintana kaya makikita ang mga puno ng cherry blossoms na nasa hardin.

Pinaghila niya ito ng upuan ngunit hindi ito doon umupo kundi sa katabi nito. Sa halip ay si Suou ang umupo sa upuan.

"Arigatou," binigyan pa siya nito ng isang matamis na ngiti.

"Dô itashimashite."

She went to stiff mode. May paparating na panganib. Naging alerto siya sa paligid.

"Tama-chan, Kyo-chan, ohayou." Bati ng isang maliit na lalaki. Kilala niya ito. Haninozuka Mitsukuni a champion of judo and martial arts and also in his senior year. Para itong bata kung umasta. Lagi din nitong dala ang pink na kuneho na gawa ng lola nito. Pero hindi niya ipagkakailang naging kasama niya ito sa training.

Kasa-kasama pa rin nito si Morinozuka Takashi ang champion naman sa kendo. Ito lang at si Hazunozuka-sempai ang nakatalo sa kanya.

"Haninozuka-sempai and Mori-sempai. Ohayou," bati niya sa mga ito. Yumukod din siya bilang paggalang.

"Elaine-chan," tinalon siya nito at umikot-ikot pa sila. Masayang-masaya ito. Kakaiba para sa kanya dahil hindi naman ito ganoon nung umalis siya ng bansa.

Tiningnan lang siya ni Mori. Hindi niya maipagkakaila ang disgust niya sa lalaki dahil lagi siyang natatalo dito.

"Haru-chan, Kao-chan, Hika-chan." Narinig niyang tawag nito sa kung sino man ang nasa likod niya.

"Kare wa dare desu ka?," tanong ng kambal sa isa't-isa. Hindi na niya naintindihana ng sumod na sinabi nito dahil sabay na nga itong magsalita ay mahirap pang idistinguished kung sino si Kaoru at kung sino si Hikaru.

Napag-alaman niyang sikat ang host club dahil na rin sa president nito. Si Suou Tamaki. Pati na rin ang iba pang membro ng club na kampante ng nakaupo sa paligid ng mesa.

Samantala ay nakatayo naman siya sa likod ni Ootori. Hindi siya gumagalaw dahil hinihintay niya ang sabihin ito.

"Ano, Elaine-sama..." tiningnan niya ang nagsalita. Isa rin ito sa kaklase niya.

"Yuki-chan."

"Do you want to join us for lunch?" yaya nito sa kanya.

"Sumimasen..." paghingi niya ng paumanhin dito. "Ootori-sama needs me here."

Nalungkot ito sa kanyang sinabi.

"Don't be sad." nilapitan niya ito at hinaplos ang pisngi nito. "You still have your friends with you." baling niya sa kasama nito sa likuran.

Nagtiliian na naman ang mga ito. Napabuntong hininga na lang siya sa nagyayari.

"Don't create any trouble in here." Nang lingunin niya ito ay hindi ito nakaharap sa kanya.

"Get out my sight." may pagbabanta sa tinig niya pero nakangiti pa rin siya. Ngali-ngaling kumaripas ang mga itong tumakbo.

Tumayo ulit siya sa likod ng binata. Napansin niyang kumakain na rin ang mga kasama nito sa mesa maliban sa nasa gitna ng kambal.

Sa pagkakaalala niya ay ito si Fujioka Hakuhi. Isang first year katuladin ng kambal. Matamang nakatitig ito sa kanya.

Tinanong ito ng isa sa kambal kung bakit hindi siya kumakain sa salitang Hapon. Tinanong naman ng kakambal nito baka ayaw nito sa bento niya. Ang bento ay katulad ng lunch box sa Pilipinas. Mga pagkaing inihahanda bago pumasok sa paaralan.

"Because she's not eating. Kyouya-sempai, isn't she your bodyguard?," sa salitang hapon. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga ito.

"She's fine, Haruhi. Right, Elaine?" nakatutok pa rin ito sa pagkain.

"Hai," maagap na sagot niya.

"Aren't you comfortable eating with us, Elaine-sempai? We can eat at the other table." Hindi na siya nagtaka na magaling itong mag-ingles dahil ito lang ang nag-iisang scholar sa eskwelahan.

"I'm fine, Haruhi-chan. You should eat your lunch, too. A girl shouldn't be skipping her meal." Sabi pa niya dito.

Napatingin sa kanya ang kambal at si Tamaki. Sinabi niya sa mga ito na alam niyang babae si Haruhi at nagpapanggap lang itong lalaki dahil sa utang nito sa club.

Ang mas ikinagulat niya ay pumalakpak pa ang mga ito. Siya ba ang pinapalakpakan ng mga ito? Or maybe someone behind her. Lumingon siya sa kanyang likod pero wala namang nakatayong tao doon kundi siya lang. Ang iba namang estudyante ay nagkukwentuhan habang kumakain.

 "Elaine-sempai, could you join me for lunch?" yaya nito sa kanya. Nasa tabi na niya ito.

"Sumimasen, Haruhi-chan. I'm still at work and look over for Ootori-sama," nahihiyang tinanggihan niya ito. Bumalot ang lungkot sa mukha ng babae.

"You can go with, Haruhi, to eat your lunch."  napamaang siya sa sinabi ni Kyouya. Alam nitong nasa trabaho pa siya ngunit pinayagan siya nitong magbreak muna.

"Can we choose a table near them? Even though Ootori-sama approved that we eat together I still need to keep an eye for him."

"Sure, no problem."

Natigil ang kwentuhan nila ni Haruhi ng may makitang kung ano sa may garden kung nasaan may mga cherry blossom tree. Inaninag niya itong mabuti at nanlaki ang kanyang mga mata ng maglabas ito ng baril at nakatutok sa direksyon ng mesa nina Kyouya.

Agad na tinakbo niya ang distansiya niya sa lalaki kung saan nakatutok ang baril ng nasa garden. Napasigaw ang mga nasa loob ng cafeteria ng bumagsak ang glass window. Prinotektahan niya gamit ang kanyang katawan si Kyouya para hindi ito mabubog o masugatan.

Nang makita niyang ayos na ito ay patalon siyang lumabas sa gusali mula sa bintana. Mas mabilis niya itong mahahabol sa ganoong paraan. Inilabas niya ang baril mula sa kanyang likuran ng magpaputok ulit ito para pigilan siya sa paglapit. Inasinta niya ang kamay nito para mabitawan ang baril. Natamaan naman niya ito. Napaluhod pa ito sa nabaril na kamay. Agad niya itong pinadapa sa lupa at hinubad niya ang kanyang coat para iyon ang gamiting pangtali sa kamay nito.

Itinawag niya sa pulis ang nagyari at naikulong ito agad. Gusot-gusot man ay isinuot pa rin niya ang coat na ginamit niyang pantali kanina. Kabastusan na basta na lang niya iyon iiwan dito dahil hindi naman sa kanya ang damit na suot niya. Kailangan niyang pangalagahan ang mga bagay na binibigay sa knaya.

NAGREPORT siya agad sa kanyang superior tungkol sa nangyari. Nagampanan niyang mabuti ang kanyang tungkulin na iligtas ang binata sa kapahamakan.

Hanga sa kanya ang kanyang superior sa pinamalas niyang katapangan. Ngunit sa isang banda ay binanggit na naman nito ang tungkol sa pagkakatalo niya kay Mori-sempai.

Lagi silang pinagkukumpara sa isa't-isa. Pero wala siyang magawa kundi ang pakinggan na lang ang mga patutsada nito sa kanya.

My Lady In Suit: Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon